Dedicated to @lorvirodriguez :D as promised. Calling all EXO fans out there, kung interesado kayong makakilala ang ng kapwa EXO fans..ayan si lorvi. Magkakasundo kayo. Hihihi! :P May EXO story rin siya na maari niyong magustuhan. Check out on her profile. God bless you~ :p
Chapter 33
Jean's POV
Sobrang bilis ng takbo ko hindi pwedeng makawala sakin ang impaktong lalaking iyon. Tumalon ako ng mataas upang lampasan ang nakaharang niyang motor sa daanan. Sigurado akong napuruhan iyon dahil ang lakas ng pagbanggang ginawa ko sa motor na sinasakyan niya. Natanaw ko na nadapa ang lalaki, ito na ang pagkakataon ko at agad akong lumundag at dinaganan ang lalaki.
"Got you." idiniin ko siya lalo at hinawakan ang dalawang kamay. Akmang itatayo ko siya ng bigla niya akong sipain sanhi para matumba ako. Mabilis akong nakatayo at gumanti ng sipa sa lalaki. Tinamaan ito sa mukha at muling nabuwal. Sinundan ko ulit ng isa pang sipa sa may leeg. Sa sobrang lakas ng sipa ko tuluyan na siyang nawalan ng malay. Pa-cool na nagpagpag ako ng dalawang kamay.
"CUT!" sigaw ng director. "Perfect PJ, amazing!" pumalakpak pa si direct.
Lumapit naman sakin ang PA ko at inabutan ako ng tubig. Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo sa upuan na para sakin mismo. "Thanks Direct!" I answered.
"As always," sabay kindat pa niya sakin. "Mag rest ka na muna at mamaya ay ite-take na natin ang last scene then diretso pack-up na for the next location."
Marahan akong tumango. Umalis na si direct. Sumandal ako sa upuan na napapandungan ng malapad na payong. Pumikit ako at nagpasyang magpahinga gaya ng utos ni direct.
"If you need anything just call me." sabi ng manager ko sakin.
Nagtaas lang ako ng kamay bilang tugon. I'm too tired to even speak.
Ilang oras na ba akong nagtra-trabaho? Nakakapagod talaga pero wala na ring kaso sanay na ang katawan ko sa ganito. Four years na rin ako sa showbiz industry at marami na ang nagbago sa buhay ko. From a simple and boyish girl I became sexy and cool actress. Noong unang taon ko sa agency nasa modelling and TV commercials lang ang focus ko. Then on my next year nag-start na akong mag-act. At first I was just given a cameo role and litle by little I started to take on big roles. I was given a chance and now here I am. One of the most awarded actress when it comes to action films. Yeah, my genre is more on action films. I never take on romantic-comedy or melodramatic drama. Eversince I act clinear ko na sa mismong agency namin na action film lang ang project na gagawin ko. Never akong nag-expect na sisikat ako sa genre na napili ko. Kasi diba kadalasan naman mas relate sila sa mga love stories ganyan. Sa mga romantic films, hindi ko akalain na tatangkilikin nila ako.
BINABASA MO ANG
Torpe & Manhid, Collide by KimEanSukJ.♥ (HIATUS)
Teen Fiction"Why do we end up hurting each other, when all I ever wanted was to love you?"-Alvenn Prieto Padilla "Natagpuan ko na lang ang sarili kong lumalakad palayo sa best friend ko. Sa taong mahal ko..at ikaw 'yun."-Jean Paula Sy Agravanteh BEST FRIEND. F...