Chapter 31
Jean's POV
"Si Mama?!" kinakabahang tanong ko kay Lyra.
Bakas din ang kaba sa mukha ni Lyra. "N-nasa emergency room pa ate.." stammered na sabi niya.
Pinisil ko ang kamay niya. Tahimik lang kaming dalawa habang naghihintay na may lumabas na doctor mula sa emergency room. Kakatapos lang ng graduation practice ko ng biglang tumawag si Lyra at sinabing sinugod daw sa ospital si Mama dahil dinugo. Ilang buwan na lang at manganganak na dapat si Mama.
I utter a prayer..Lord, I know kasalanan ko po ito. Inis na inis ako nung malaman ko na buntis si Mama dati..sorry po. Nagsisisi na ako sa kasamaan ng ugali ko. Wag niyo pong kunin ang anghel na nakatakadang dumating sa pamilya namin. Taos puso kong panalangin. Pasimple kong pinunasan ang luha sa mata ko.
Lumabas ang doctor sa emergency room kaya agad kaming tumayo ni Lyra. Saktong dating naman ni Papa galing sa trabaho sa palengke. Lumapit agad siya samin at umakbay.
"Doc, ano pong lagay ni Mama?" tanong ko.
Tumango muna si Doc. "She is fine now. Mahina ang kapit ng bata. Kumusta po ba ang nakaraang pagbubuntis misis, Mister?" tanong ni Doc kay Papa.
"O-okay naman po ang pagbubuntis niya sa dalawa naming anak. Ngayon lang po nangyari sa kanya ang ganito." sagot ni Papa.
Tumango ulit si Doc. "I'm afraid maselan po ang kondisyon ng Misis niyo. Kailangan pong i-confine na siya dito sa ospital para ma-monitor ang lagay niya. Hindi na rin po adviceable ang normal na panganganak kailangan po siyang i-caesarian." explain ni Doc. "Ililipat na po siya sa private room. I am afraid to say na kakailanganin po ng malaking pera para sa kanya. For now i-aassist na lang po kayo ng nurse sa room, para sa iba pang kelangan." sabi ni Doc at nagpaalam na.
Tahimik na sumunod kami sa lumapit na nurse. Ang utak ko ay lumilipad sa gastusin. Saan naman kami kukuha ng malaking halaga na sinasabi ni Doc? Hindi kami mayaman para makapaglabas agad-agad ng malaking halaga. Private hospital pa mandin itong napuntahan namin. Hayyy!
Gulong-gulo na ang isip. Ang dami pang nawalang pera samin dahil nga nalalapit na ang graduation may mga extra fees na binayaran sa school.
◘◘◘
Lyra's POV
BINABASA MO ANG
Torpe & Manhid, Collide by KimEanSukJ.♥ (HIATUS)
Teen Fiction"Why do we end up hurting each other, when all I ever wanted was to love you?"-Alvenn Prieto Padilla "Natagpuan ko na lang ang sarili kong lumalakad palayo sa best friend ko. Sa taong mahal ko..at ikaw 'yun."-Jean Paula Sy Agravanteh BEST FRIEND. F...