Chapter 23 It's all about COC

105 4 3
                                    





Chapter 23



Alvenn's POV

Napabalikwas ako ng bangon sabay hagilap sa phone ko. "Syet!" na-attack na naman ako. Badtrip! Nagmamadali akong kumonekta sa wi-fi at nagsimulang mag-train ng troops. 

Busy ako sa pag-aayos ng village ko ng biglang may dumating na call aa phone ko sanhi para maalintana ako sa paglalaro ng kinahuhumalingan kong COC. 

"HELLO?!" badtrip na sagot ko.

("Aba? Galit?)

Syet! Si Bae pala.. "Oy Bae, ikaw pala bakit? Kaninong number nga pala itong gamit mo?"

("Kay Lyra 'to, teka nga anong oras na ah. Nakaligo ka na ba?")

"H-huh?" Syet again napatingin ako sa wallclock ko sa kwarto. Tae lang nawala sa isip ko na first day nga pala ng practice niya ngayon. "Uhm--"

(ANO NGA? KANINA PA AKO BIHIS. YUNG TOTOO SAN KA NA BA?")

Taenes. Yari ako pag nalaman nitong kakagising ko pa lang higit sa lahat mas lalong 'di uubra pag ikinatwiran ko na ang dahilan ng puyat ko ay ang ikinaiinisniyang Clash Of Clans. Ewan ko lang basta ang alam ko adicct na addict ako sa game na ito. Pero syempre addict rin ako sa kanya. Sht! Paano ba gagawin ko? 

(Huy! ANO?!)


"On the way, na ako Bae..just caught up in traffic." I lied.

(Sure ka ha? Tsk! Male-late na ako. Hindi kasi inagahan eh. Osige na. Bye! Ingat pagda-drive.")


Pagkatapos ng tawag para akong superhero na lumipad papunta sa banyo at nag-shower ng mabilisan. Hindi na ako nakapamili pa ng damit na isusuot. Kung anong una kong nadampot sa closet ay siya ko na rin agad isinuot at sabay dampot ko sa maliit na bag sa ibabaw ng mesa at nagtatakbo palabas ng kwarto.

"Sir, nakahanda na po a--" pinutol ko ang sasabihin ni ate habang nagmamadali akong lumabas.

"Hindi na ako kakain male-late na ako eh." tapos sumakay ako ng kotse at agad pinaandar palabas ng gate ng bahay.

Mabuti na lang Saturday ngayon kaya wala masyadong traffic. Oo kabaligtaran ng sinabi ko kay Paula kanina. Ganon talaga, minsan kelangan kong magsinungaling para sa katahimikan ng aming relasyon. Nyahaha.

"Syet! Naiwan ko 'yung tablet. Ano ba 'yan?! May clan war pa naman kami mamaya.Aish!"napakamot na lang ako sa ulo. Tss.

                                                        ◘◘◘

Jean's POV


"Good afternoon po!" nakayuko akong bumati sa choreographer namin. 

Nagtinginan lahat sila sakin. "You are?" tanong ng babaeng choreo.

"Jean Paula Agravanteh po representative ng AB Department."nanliit na ako. Napakagaganda ng mga representative ng ibang department. Lahat sila mga palaayos at fashionista. Hindi ako makatitig sa mata nila kasi alam ko pinagtatawanan na nila ako ngayon pa lang.

"Are you sure Miss?" may halong pagdududa sa tinig ng choreographer.

Marahan lang akong tumango.

Bakit ba napasok ako sa sitwasyong ito? Argh! I hate this feeling. Nakita ko na nagbulungan 'yung mga babaeng representative ng ibang department. 

Sige lang. Haaayyy!

"Well you are late Miss Agravanteh. Next time be on time." babala ng babae. 

Tinanguan ko lang siya. "Tumayo ka na lang sa likod ni Miss BA." tukoy nito sabay turo sa babaeng maganda at secy na naka-short shorts.

Nagpatuloy ang practice at sobrang badtrip na ako. Wala manlang akong makausap. Pakiramdam ko naligaw lang talaga ako. Saling-pusa ako ganon. Paanong hindi eh ako lang naman naiiba ang aura rito. Sila pang-modelling talaga ang datingan. I tried to be girly naman na kumilos eh. Nagdamit ako ng simpleng skinny jean at fitted shirt. Sexy rin naman ako. Basta hindi lang ako talaga maayos. Ibang-iba ako sa kanila. Naso-suffocate na ako kaya nung nag breaktime nagulat ako biglang pumasok sa studio si Vin at may bitbit na maraming plastic. 

Nagkatinginan pa kami habang naglalakad siya palapit.

"Ano 'yan?" Mouthtalked ko pa sa kanya.

Ngumisi lang siya. Iyong feeling pogi na naman. Nagtinginan naman sa kanya lahat ng girls representative.

WOW! Parang kanina lang may mgas arili silang mundo. Hmp! Lumapit si Vin sa choreographer namin at nakipag-usap. Ano naman kayang chini-chikka ng lalaking ito? 

Maya-maya pa biglang nag-announce si ate choreo. "Girls, may free lunch tayo galing kay Mr. Padilla. Gusto niya lang daw tayong pasalamatan and he also asked for us to be friendly with Miss Agravanteh." nakangiti na si ate ng ubod tamis. 

Narinig kong nagkanya-kanayang bigayan ng reaksyon ang mga babae. "Wow! Sila ba?" sambit ung girl na isa. "Ang swerte naman ni Ateng."

"Oo nga. Ang pogi ni kuya." kilig na sabi nung isa pa.

"Thank you Mister Padilla!" sambit nung mga babae at kumuha na ng pagkain sa plastic na siya palang dala ni Vin.

"Welcome! Basta alagaan niyo ang girlfriend ko ha. Wag niyong aawayin." tapos lumapit na siya sakin.

Shet! Ang corny 'nun ah. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi concern siya o maiinis dahill baka lalo akong kagalitan ng ibang mga girls rep.

Inirapan ko siya. Nagkibit balikat naman siya sakin. "Problema? Thank you na lang nga gagawin mo kinatatamaran mo pa." sermon niya sabay upo sa tabi ko at inilapag ang pagkaing bitbit niya para sakin.

"Corny," I hissed. "Nakakahiya ka." bulong ko.

Kumunot-noo niya. "Naks, sweet mo talaga Bae. Pa-kiss nga sa paa." pang-aasar pa niya.

Nanahimik ako at tinuon ang atensyon sa pagkain. Ang totoo natutuwa rin naman ako. Halos maiyak na ako sa inis buong time ng practice. Wala kasi akong makausap, chikkaminute pa naman ako. I can't stand being alone. I can't even stand being silent. Tapos wala akong friend dito. Kaya naman ayoko talaga mag-join eh. Ganito na ang nai-imagine kong mangyayari. Ako ay alien sa lahat. Tipong naligaw lang ako sa pageant. Tsk! Tapos bigla siyang dumating..lahat natuwa sa kanya. Nainggit sila sakin. Para bang kanina feeling ko napakapalad ko na may isang Alvenn Padilla sa buhay ko. 

Ang aking taga-sagip.

My superhero.

Shems! Hanggang saan aabot ang ka-cornyhan ko na 'to? 

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Torpe & Manhid, Collide by KimEanSukJ.♥ (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon