Chapter 35
Xairus POV
"Wait.." tawag ko sa kanya. Subalit parang walang narinig na nagpatuloy ito sa pagtakbo. Tumakbo ako ng mabilis hanggang sa maabutan ko siya. Hinawakan ko ang braso niya.
"Where are you going Jeanie?" hindi siya tumitingin sakin. I can tell she is in pain and she is hurting for the same reason. "Tara! Ihahatid na lang kita mamaya may makakita pa sayo." biglang-bigla namang bumuhos ang malakas na ulan. Agad kong ipinayong sa ulo niya ang kamay ko kahit alam kong nababasa pa rin siya.
"Syet!" I heard her cussed sabay nagtatakbo sa shed na natanaw namin. Sumunod ako sa kanya. Mabuti na lang walang tao sa shed. Inabutan ko siya ng panyo.
"Hubarin mo na lang ang jacket mo baka magkasakit ka pa."
"Sus. Matagal na rin naman akong nasasaktan." malalim na sagot niya.
Naupo kami pareho at nakamasid sa pag patak ng malalaking butil ng ulan. Hindi ko alam ang sasabihi ko. Nasasaktan din ako para sa kanya. Isa ako sa mga malalapit na tao sa buhay niya, na nakasaksi sa mga pinagdaanan niya.
"It's been four years.." she said. Pinagmasdan ko lang ang magandang mukha niya. I've been a fool wasting her. Sometimes I can't help but felt regret. If I only stay with her then..
"Four years and here am I waiting and hoping for someone who isn't going to come. Ganito pala talaga pag nasasaktan 'nu? Tingin nung ibang tao ang saya-saya ko. Iyong iba hinahangaan at kinaiinggitan ang isang gaya ko. Ang hindi nila alam napakalungkot maging ako." nakita kong nangingilid ang luha sa mata niya. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil.
"Nandito lang ako para sayo. Hindi na ako muling mawawala pa. Hindi ka naman mag-isa eh kaya wag ka ng malungkot Jeanie.." nagsusumamong bigkas ko.Nakatulala pa rin siya sa ulan.
"Alam ko naman eh, kaya nga nagpapasalamat ako sa inyong mga kaibigan ko kasi wala ako sa kinalalagyan ko ngayon kundi dahil sa tulong niyo." Jeanie said referring to her past."Nakakabwisit lang kasi mukha akong timang, makarinig lang ng bagay na related sa kanya binabaha na kaagad ng mga ala-ala ang isip ko. Alam mo ba kung ilang beses kong sinabi sa sarili ko na kalimutan na lang siya? Ilang beses kong pinilit na kalimutan siya. Kaya lang may mga bagay talaga na kahit ibinaon mo na sa limot, bumabalik at bumabalik pa rin. Mas masaklap pa, malalaman mo na mas dobleng sakit ulit." pumatak ang luha niya sa kamay ko na nakapatong sa kamay niya.
"Bakit ganon Xairus?" sunod-sunod sa pagpatak ang luha niya. "Hanggang ngayon siya pa rin ang laman ng puso ko. Bakit ang hirap-hirap niyang kalimutan? Minsan pa bigla na lang akong mapapaisip ng kung anu-ano? Punong-puno ng katanungang..nasaan na kaya siya? Naiisip niya rin kaya ako? O tuluyan na niya akong kinalimutan?" humagulhol siya ng iyak sa balikat ko.
Parang may nakabarang pagkain sa lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita sa takot na mapaiyak na lang din bigla para sa kanya. Kahit anong pagmamahal ang ibigay ko alam kong hindi pa rin sapat para mapunan ang kakulangan sa puso niya. Hinagod ko ang likod niya habang siya ay patuloy na umiiyak.
"Kung mahal ka ng isang tao, hindi ka niya hahayaang maghintay ng matagal. Hindi niya hahayaan na masaktan ang taong mahal niya. Hindi ka niya paiiyakin at pahihirapan. Siguro nga kailangan mo na lang din tanggapin na wala na talaga siya. Kagaya ng palaging sinasabi ng GK sayo, isipin mo na lang na nabura at naglaho na siya sa mundo. I know it will not take your pain away, but at least you're on the way to moving-on." mahabang paliwanag ko sa kanya. Lalo pa itong napaiyak sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Torpe & Manhid, Collide by KimEanSukJ.♥ (HIATUS)
Teen Fiction"Why do we end up hurting each other, when all I ever wanted was to love you?"-Alvenn Prieto Padilla "Natagpuan ko na lang ang sarili kong lumalakad palayo sa best friend ko. Sa taong mahal ko..at ikaw 'yun."-Jean Paula Sy Agravanteh BEST FRIEND. F...