Chapter 9 If I Stay

123 5 5
                                    



Chapter 9



Jeyn's POV



Tahimik ang lahat at dalang-dala sa pinapanuod. 


Nandito kami sa bahay nina Junalyn. Sino pa ba? GK syempre. Alang ka-pasko pero heto at dinidibdib namin ang panunuod ng 'If I Stay'. Takte. Ewan ko ba pero hindi ko talaga feel ang mga lovestory pagdating sa mga movies. Ang gusto ko action. Hahaha! 



"Sniff!"


"Huy!"untag ko kay Junalyn. "Wag mong dibdibin may Aldrich ka pa. Eto tissue isinga mo 'yan."inabot ko ang isang box na singahan. 



"Penge rin ako."kalabit ni Vin. 


Agad-agad ko siyang binatukan. "Wag kang epal. Asan luha mo aber? Epaloids na naman kasi eh!"pambabara ko. Haha. As usual aso't pusa pa rin kami.



Ilang buwan na ba ulit ang lumipas? After nung play namin nakoooo. Napakarami na ng nangyari. 





Well alam ko naman na nasubaybayan niyo na siguro mula pa sa Part 1 until Part 2 kasi nga TRILOGY ito. Talaga lang dakilang tamad ang author kaya ako na ang mag-eexplain sa inyo para 'di kayo maguluhan sa takbo ng story. 




(A/N: Excuse me? Ako tamad?? *ThinkingMode* Uhmm..Hindi. Hindi ka nagkakamali. Hihihi.)





So the timeline goes like this..



After the play many things happened. It has been a helluva months for us, GK. Sorry for the term. It's just soooo intense.



First of all in contact pa rin kami ni XLK. Tama siya, pinanindigan niya ang pagbabalik sa buhay ko just like before. Yun nga lang wala pa ring malinaw na status sa pagitan namin. Sometimes he's sweet. Flirt. And I don't exactly know. Pero friends kami—one of a good friend. Can't say best friend kasi alam niyo na kami ni Vin ang BFF forever, tsaka ni minsan hindi ako flinirt ni Vin kaya alam ko pure friendship lang kami. Sobrang iba sa meron kami ni Xairus. Pero hindi kami ha. Basta isang malaking kalabuan ang meron kami. Ine-enjoy ko na lang kasi masaya naman ako na nagbalik siya sa buhay ko.


Second, nagpustahan kami ng GK about our exams. Nahati kami in three groups. Syempre ako si Juna at Khim ang groupmates. Ang usapan mag-aambag ng malaki sa panghanda sa pasko ang matatalo. Bale sa farm nina Youngster kami mag cecelebrate ng Christmas. Don't worry payag naman sina Mama kasi isasama ko si Lyra. So ayun, natalo sina Vin, Rodel at Jest sa pustahan. Okay na sana lahat. Hinihintay na lang namin angg pasko. Pero nangyari ang hindi inaasahan..

Torpe & Manhid, Collide by KimEanSukJ.♥ (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon