Chapter One
"Oy!"untag niya sakin. "Parang tanga naman to. Para yun lang eh, tahan na kasi.."
Kunot noong hinarap ko siya. "Anong yun lang? Alam mo ba kung bakit single pa ako sa loob ng tatlong taon? Kasi, umaasa akong babalik pa siya. Tapos.."naiiyak na naman ako. Shet! Naaalala ko na naman yung sakit ng unang kabiguan ko.
Naupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. "Tssk. Alam ko naman. Nako, ilang beses mo na bang nakwento sakin yan? Ha? Dumudugo na yung tenga ko sa tuwing naririnig ang pait ng nakaraan mo! Eh ano naman kung na-who you ka?"
Sinampal ko siya sa mukha.
"Ouch! Para--"
"Hindi mo kasi ako naiintindihan Vin, kasi hindi ka pa naman nakaranas masaktan. Nakakainis! Bakit ba kasi isinama pa kita hindi ka naman pala makakatulong sa pag eemote ko!"reklamo ko. Tumayo ako at sinakbit ang backpack ko at sigang naglakad.
Nagtatakbo siya at umakbay ulit sakin. "Ano ba? Ang bigat ng braso mo!!"
"Sus! Parang di ka pa naman sanay. Gusto mo ilibre kita?"
"Ayoko."malungkot na sambit ko at nagpupunas pa ng natirang luha sa mata.
Pesteng lalaki kasi yan nauso pa. Akala ko naman nakalimutan ko na ang sakit. Kung bakit naman kasi na wrong send pa ako sa lalaking yun. Bakit kasi hindi ko pa dinelete ang number niya sa phone ko?
Ikiniskis ni Vin ang ulo niya sa ulo ko. "Awtsuu! Ngumiti ka na nga, hindi bagay sayo ang ganyan. Nawawala ang pagkalalaki mo brad!"
Brad, kaya kami best friend eh. Lagi niya kasi akong niloloko na babae rin daw ang gusto ko. Kasi siga daw ako at maangas. Walang bakas nang pagkababae sakin.
"Sapak gusto mo ha?!"Tapos inambangan ko siya ng suntok.
"No thanks brad! Hahaha!"lakas makatawa nitong lalaking to. Nagtitinginan tuloy yung mga girls na nadadaanan namin.
BINABASA MO ANG
Torpe & Manhid, Collide by KimEanSukJ.♥ (HIATUS)
Teen Fiction"Why do we end up hurting each other, when all I ever wanted was to love you?"-Alvenn Prieto Padilla "Natagpuan ko na lang ang sarili kong lumalakad palayo sa best friend ko. Sa taong mahal ko..at ikaw 'yun."-Jean Paula Sy Agravanteh BEST FRIEND. F...