Chapter 18 C○○l

127 4 2
                                    

Chapter 18

Kinagat ko ang labi ko upang hindi mapaiyak. Hindi ko inasahan na maririnig sa kanya ang mga salitang iyon. Dahil ba may Fats na siya kaya gusto na rin niyang kumawala sa pagkakaibigan namin? 

"Mabuti pala kung ganon. Makakaalis ka na."pagtataboy ko sa kanya. Pilit kong hinihila ang kamay ko pero hindi niya pakawalan. "Maari mo na sigurong pakawalan ang kamay ko."

"Ayoko."mariing sambit niya. 

"Niloloko mo ba ako?"inis na sigaw ko. Gusto ko ng makalayo sa kanya. Hindi na ako makahinga. Sasabog na ang nararamdaman ko. Ang makita siya ay isang torture. Siya ang dahilan ng paglayo ko. Hindi ko kayang harapin siya. 

 

"Potchi!"

"Excuse me? Do I know you?"tanong naman ni Lyra na nakataas ang kilay. 

"Galit ka pa rin ba sakin?"lumungkot ang mukha ni Vin. Gusto kong humakbang palayo ayokong mag eavesdrop sa kanilang dalawa pero hindi sumunod ang katawan ko. Patuloy pa rin akong nakikinig at pinapanuod ang pag-uusap nila.

"Galit? Assuming mo naman kuya. Sino ka ba?"pambabara ni Lyra.

Hinawakan ni Vin ang kamay ni Lyra at may inabot na paper bag. "Suhol."nakangising sabi ni Vin."Sige na bati na tayo, huh? Ikaw na nga lang ang kakampi ko eh. Hindi ko kayang magalit sakin ang importanteng babaeng gaya mo. Ikaw ang alas ko di ba?"

May gumuhit na sakit sa dibdib ko. Para bang bigla itong sumisikip at unti-unting napupuno ng kung anong sakit. "Asus!"nag-isip si Lyra sabay tango. "Akala ko ba sumuko ka na? Sabi mo mag mo-move on ka na."

Nag-away pala sila..ahh siguro ayun nga ang dahilan dati kung bakit naging aloof sakin, samin si Vin. Tapos, lagi siyang absent at naglalasing. Siguro dahil sa LQ nila.

Ganon na ba nila agad kamahal ang isa't-isa? 

Tumalikod ako at kahit mabigat ang pakiramdam ko lumayo na ako sa kanila. Biglang nabasa ang pisngi ko. Ngayon ko lang narealize na umiiyak pala ako. 

How did this happen to me? Bakit siya pa?

"I tried to, but it doesn't work."sambit ni Vin. 

"Asus! Kundi ka lang torpe eh, hay nako..ewan ko sayo Torps."

Torpe & Manhid, Collide by KimEanSukJ.♥ (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon