Chapter 22
*Continue*
“Words can build or destroy a person. So be careful.” – Anonymous
--
[3RD PERSPECTIVE]
“And I’ve lost who I am
And I can’t understand
Why my heart is so broken?
And rejecting yours”
“Ojou-sama! Daijyoubou?!” agad na nilapitan ni Tsugumi si Aliyah at hinawakan ang magkabilang balikat.
“Love without
Love gone wrong
Lifeless words carry on
But I know, all I know
Is that the end’s beginning”
Nakatulala lang si Aliyah habang patuloy s’yag nakakarinig at nakakakita ng mga alaalang hindi n’ya alam kung bakit pumapasok sa kanyang isipan. Hindi n’ya mawari kung sino ‘yung batang lalaki na nakabulagta at duguan sa alaala n’ya.
Natigilan naman si Tsugumi noong nakita n’ya na may tumutulong luha sa kanang mata ni Aliyah. Ngayon lang kasi n’ya ulit nakita na ganito ang kanyang master at kababata. Nasasaktan s’ya sa nangyayari ngayon.
Napalingon si Tsugumi sa lolo ni Aliyah. “Ojii-sama,” tawag nito habang malungkot na nakatitig.
Umiling lamang ang lolo ni Aliyah. Alam kasi nito ang gustong ipahiwatig ni Tsugumi. Gusto na kasi nitong sabihin ang lahat ng nalalaman n’ya sa oras na maayos na si Aliyah.
“Demo—“ (Demo = But)
“It’s still not the right time, Tsugumi. Aliyah must be prepared enough before we say it.” Payo ng lolo ni Aliyah.
Walang nagawa si Tsugumi kundi alalayan na lang si Aliyah papunta sa kanyang kama. Gamit ang kanyang hinlalaki ay tinanggal n’ya ang luha sa gilid ng mga nito. “I promise I’ll protect you, always.”
Iyon na lamang kasi ang tanging magagawa n’ya kay Aliyah.
Hindi nagtagal ay nakarinig ng sigaw sa ibaba ng bahay. Na-alarma si Tsugumi at agad na tumakbo dito.
Inilabas n’ya ang isang baril na nakatago sa loob ng sleeves ng kanyang jacket. Alerto at palinga-linga sa iba’t ibang direksyon. Inaalam kasi n’ya kung may nakapasok na hindi kilalang tao sa mansyon. Hindi n’ya lubos maisip na magsusunud-sunod ang mga pangyayaring ayaw n’yang mangyari.
Isang kaluskos ng paa ang kanyang narinig sa may kusina. Mabilis s’yang pumunta dito at bumulagta ang isa sa mga maid na walang malay at may nakadikit na sulat sa noo.
‘Time is ticking for your precious grandchild. She’ll be turning eighteen soon. We’ll be there.”

BINABASA MO ANG
To Love Rin
Teen Fiction[TAGLISH] Sa isang elite school, nagkakilala sina Darren, ang transfer student at Aliyah, ang top student. Isang playboy na nag-a-adjust sa kanyang bagong school habang isang emotionless heiress na hinahanap ang kababata. Dalawang taong may mapait...