Twenty Three

70 1 0
                                    

Chapter 23

*Lies*

“It is an occupational hazard that anyone who has spent her life learning how to lie eventually becomes bad at telling the truth. ” – Anonymous

--

[Aliyah’s POV]

“I’m afraid that I gotta do what I gotta do

But if I let you go, where you gonna go?

We gotta make a change, time to turn the page

Something isn’t right, I don’t wanna fight you”

                Hindi ko talaga siya maintindihan. Kahit ang sama ng impression namin sa isa’t isa nagagawa niya ang mga ito. Tulad noong prom night. Naiinis ako! Kasi….lagi niyang nakikita ang kahinaan ko kahit anong pagpapanggap ko. Siya lagi ang nakakapagpatigil sa mga padalos-dalos kong desisyon. Tulad ngayon.

“Hey you, come over and let me embrace you

I know that I'm causing you pain too

But remember if you need to cry

I'm here to wipe your eyes”

                Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Akala ko masasakal ako sa ginagawa niya pero sa halip ay naging kumportable ako. Unti-unting bumuhos ang aking luha sa kanyang mga bisig. Stupid.

            “Hindi kita pababayaan.”

            “I’m your friend, right?”

            Hindi ako umimik. Nanatili lang ako sa posisyon namin. Pumikit ako. Kapag ginagawa ko ito, naaalala ko si Tsugumi. Kapag malungkot din ako, ginagawa niya ito. I hope he’s okay. God, I don’t want to lose him. He’s like a brother to me.

            Ilang minuto din kaming magkayakap. “Okay ka na ba?” tanong ni stupid.

            Humiwalay ako sa pagkakayakap. Tumango lang ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. “Sige una na ako,” ani stupid. “Ako na ang bahalang magdahilan sa iba kung bakit nag walkout ka.” at naglakad na sa hallway papapuntang gym.

            Lumingon ako sa kanya. Nakatalikod na siya.

            Hindi ko talaga masabi ang ugali niya. Hindi ko alam kung anong binabalak niya. Pero ang mahalaga ngayon ay makapunta ako kay Tsugumi.

--

“What happened, Doc?”

            Narito na ako sa ospital kung nasaan si Tsugumi. Nagmamadali akong pumunta dito. Maraming tao dito sa ospital ang nakatingin sa akin. Paano ba naman, naka-uniform ako. Idagdag mo pa na may iba sa kanila ang alam ang logong nasa damit ko. Logo ng isang elite school, ang Maijima Academy.

To Love RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon