Prologue
*To Love Rin*
---
"Uy babes, wala na bang atrasan to?" seryosong tanong sa akin ni Seth, tropa ko.
"Oo babes, dun na ako mag aaral." sagot ko sa kanya.
'Babes' ang tawagan namin ni Seth Fiore Ramirez. Hindi kami bading. Pareho kaming mga tunay na lalaki. Napagtripan lang namin na tawagan yun para unique.
At kung nagtataka kayo kung bakit ganito yung eksena, kasi lilipat na ako ngayon ng school. At di lang basta-bastang school, elite school. Pinapalipat na ako ng school ko dati, kasi over na daw ako sa katalinuhan at mas makakabuti daw na sa isang elite school na ako mag-aral.
Well, di naman yun problema kasi may kaya ang pamilya namin. Isang kilalang successful businessman ang tatay ko, samantalang ang nanay ko naman ay sikat na fashion designer. Ang prino-problema ko eh yung maiiwan kong mga ka-tropa dito, dito sa Hope Academy.
"Babes, mamimiss kita!" sigaw ni Seth sabay yakap sa akin. Tapos bigla ko na lang nakita yung nguso nya na papalapit sa aking mukha.
Binatukan ko man daw. "Aray!"
"Kadiri ka! OA na eh! Oh, i-pagpaalam mo nalang ako sa iba." sabi ko sa kanya.
Bigla nalang kaming may narinig na paparating na sasakyan.
"Sige babes, ingat ha! Hinay-hinay pati," sabi ni Seth.
Tapos lumapit sya sa tenga ko at may binulong, "...sa mga chicks."
Pagkatapos ay lumabas na ako ng gate ng school ko dati at sumakay na sa sasakyan na service van ko.
7:00AM na, pero hindi pa ako late. 8:00AM kasi ang time sa bago kong school. 30 minutes ang byahe papunta sa bago kong school. Eh makakarating ako ng maaga kasi 7:00AM pa lang. Kaya pa-easy-easy lang ako.
Habang nag-bya-byahe, hindi ko maiwasang mapatawa sa sinabi ni Seth. 'Hinay-hinay sa mga chicks.' Well bakit nya ako sinabihan ng ganun? Well isa lang naman akong certified poging 'Playboy or Casanova' ng Hope Academy. Ako si Darren Kai Lim.
Tulad ng mga artista, marami akong fans at bashers. Sobra 'daw' kasi akong mayabang.
*screech*
"Shet manong! Bat ka nagprepreno ng ganun." bigla nalang kasing nagpreno si manong. Parang mamamatay ako dun eh!
"Pasensya na po sir, bigla nalang po kasing tumigil yung nasa unahan nating sasakyan." sabi ni manong.
Naintindihan ko naman si manong. Kaya balik sa dati.
Lumipas ang 10 minuto, di parin umuusad kami. Traffic? Tae, 7:15AM na. Naglabas muna ako ng aking iPhone 5S at sinuot sa aking mga tenga ang mga earphones at nagpatugtog.
"I can't wait another night to see you
Gotta satisfy my sweet tooth..." bigla akong napangiti.
"A little like resses fallin' into pieces
Tell me there's a way to do this..." sumasabay na ako sa kanta.
Naramdaman ko na umandar na ulit yung sasakyan. Pero hindi ko na pinansin, at nagpatuloy sa pagkanta.
"I just wanna kiss your lips
Girl you make me melt like chocolate
Jaw breaker you got the kiss that I wanna savour--" kakantahin ko na sana yung chorus nang biglang nagsalita si manong.
"Sir, narito na po tayo sa Maijima Academy," sabi ni manong sa akin.
Tuloy-tuloy lang sa pag-andar ang van ko hanggang makarating na kami sa may parking lot.
"Sir, ang laki pala ng bago nyong school." sabi ni manong.
Aaminin ko malaki nga sya. Noong nasa gate palang kami, halata na. Malalaki at matataas na buildings.
"Oo nga manong, sige dito nalang ako. Pwede ka ng umalis." sabi ko kay manong, tapos bumababa na ako ng sasakyan at nagsimulang lumakad papunta sa naka-assign na building sa akin.
Tiningan ko muna kung anong oras na, "Ay shet!" napamura ako. 7:55AM na, malalate na ako.
Kaya napatakbo ako ng di-oras. Kaya lang...
*boogsh*
Di ko alam na dito magsisimula ang lahat.
BINABASA MO ANG
To Love Rin
Teen Fiction[TAGLISH] Sa isang elite school, nagkakilala sina Darren, ang transfer student at Aliyah, ang top student. Isang playboy na nag-a-adjust sa kanyang bagong school habang isang emotionless heiress na hinahanap ang kababata. Dalawang taong may mapait...