Chapter 14
*Manager Min*
"Because what's worse than knowing you want something, besides knowing you can never have it?" - Anonymous
---
[Aliyah's POV]
"Manager, are you crazy?!" sigaw ko.
Paano ba naman hindi ako magugulat sa sinabi nya. Eh may konti pa lang role play bago ako kumanta. Yung Seth daw kasi ang gaganap na Ouma Shu. Tapos kailangan ko daw na i-smack ito after nung scene saka ako kakanta.
Ngumuso si Manager Min. "Rin naman eh. Pagbigyan mo na oh. 'Yun ang request nila eh. Tsaka cute naman si Seth." Aniya.
"Ayoko! Kung ikaw na lang kaya Manager ang gumawa? Ikaw ang namimilit."
"Hahaha! Baka masampahan pa ako ng child abuse. Kaya no thanks!"
Inismidan ko lang sya. "Gusto mo naman."
Tumawa lang sya.
Basta ako, hinding-hindi ko gagawin yun. Pumunta na kami sa backstage. Nadoon na sina Reign, Nats at Star, kinukuha na yung mga gagamitin nila mamaya. Lumapit ako sa kanila.
"Magvo-vocal ka lang daw, Rin."
Napatigil ako sa pagdampot ng gitara ko. "Ha? Akala ko sa parteng role play lang ako di gagamit ng gitara?"
Nagsalita ulit si Nats. "Yun din ang alam ko. Kaso binago nila ng wala sa oras."
Hindi ko maiwasan na mapikon. Sayang kasi yung pagdadala ko ng gitara kung magvo-vocals lang ako. Pero wala akong magagawa. May papalit sa pagiging rhythmic guitarist ko NGAYON lang.
"5 minutes guys! Umusod na po kayo dun sa platform." Paalala sa amin ni Manager.
Umusod naman kami. Mamaya kasi ay aangat 'yung platform na 'yun. Para bang sa mga ibang concert hall. Pang grand entrance talaga 'yun. Nilagyan na din ako nung lapel/mouthpiece para 'di ko na kailanganing magmicrophone.
--
Natapos na din yung unang anime, yung Noragami. Ngayon naman ay naririnig namin na ni-i-introduce na nung host 'yung kasunod na anime. Rinig na rinig namin 'yung iba na nagsisihiyawan. Mukhang ito na talaga.
Unti-unting umangat yung platform. Habang pa-angat nang paangat ito, palakas na palakas ang mga sigawan ng mga tao.
May biglang humawak ng kamay ko. "Rin-chan! Kaya mo yan! Magtiwala ka lang sa sarili mo!"
Lumingon ako sa kanilang tatlo.
Nakatitig sila sa akin. Ang mga mata nila'y nag uusap. Sinasabing, "Kaya mo yan!" sa akin.
Napangiti ako. Ganyan talaga sila kahit noong 'di pa kami ganun napapansin ng iba. Alam naming apat ang iniisip ng bawat isa. Tumingin na ulit ako sa harap.
Tumigil na ang pag-angat. Ibig sabihin nasa stage na kami. Ang maingay na sigawan ng mga tao kanina ay napalitan ng nakakabinging katahimikan. Patay pa kasi ang mga ilaw. Alam ata nila na may magaganap na role play bago ako kumanta.
Ipinikit ko muna ang aking mga mata. Dahil oras na magsimula ang eksena ay magiging seryoso na ako at mawawalan ng ekspresyon ang aking mukha maliban sa aking mga mata. Ganun ang pagkakakilala ko kay Inori ng Guilty crown.
Nakapikit pa ako noong tumunog 'yung instrumental ng "Euterpe". Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Ito na ang hudyat ng role play. Sa pagro-role play namin ay tanging ekspresyon at pagbuka ng bibig ang kailangan. Hindi kami mismo ang iimik ng dialogue dahil nakahanda na ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/9713230-288-k136515.jpg)
BINABASA MO ANG
To Love Rin
Teen Fiction[TAGLISH] Sa isang elite school, nagkakilala sina Darren, ang transfer student at Aliyah, ang top student. Isang playboy na nag-a-adjust sa kanyang bagong school habang isang emotionless heiress na hinahanap ang kababata. Dalawang taong may mapait...