Eight

130 8 3
                                    

Chapter 8

*The Missing Necklace *

"Your body hears everything your mind says." - Anonymous

--

"Tsk, so childish." bulalas ni Star.

Tiningnan naman siya ni Nats ng masama, "Duh, I mean--Rin, you're so effin rich! Instead of crying all day, why don't you just buy another necklace? It's just an effin necklace. Tsk, people." tapos bigla nalang syang nag walkout sa studio.

'It's just an effin necklace'  Medyo napikon ako sa sinabi nya.

Oo, napakadali lang bumili nun dahil may pera ako. Pero para sabihin nyang isang necklace lang yun. May sentimental value yun sa akin. Yun na nga lang ang magbibigay daan sa aking nakaraan.

Nilapitan na din ako ni Reign, "Pagpasensyahan mo na si Star. Alam mo naman ugali nun." sabi nya.

"Alam ko Reign. Totoo naman kasi sinabi nya." sabi ko kay Reign.

Bigla namang nagsalita si Nats, "So paano yan guys? 'Di pa man din tayo nakapagpractice kahit isa. Sa susunod na lang ulit." sabay kuha ng kanyang drum sticks at bag.

"I'm really sorry Nats. Sige next time na lang ulit." kinuha ko na din yung bag ko.

"Don't worry Rin, malay mo may nakapulot noong necklace. Basta alalahanin mo na lang kung saan mo nawala yun. Geh, una na ako guys! Bye!" sabi ni Nats sabay alis na sa studio.

Kami na lang ni Reign ang natira.

"Rin-chan, gusto ko lang itanong. Yung tungkol dun sa guitar necklace mo. Bakit may sentimental value yun sayo?" tanong ni Reign sa akin.

Umupo muna kami sa isang bangko saka ako nagsimulang magkwento.

"Ganito kasi yan..." simula ko. Hanggang sa unti-unting bumalik yung panahon na iyon.

10 years ago, summer noon. Pinapunta ako ni lolo sa isang tahimik at payapang probinsya kasama si Tsugumi. Sa probinsyang yun meron si lolong hacienda. Napakalawak at napakaraming puno.

Isang araw, naisipan kong maglibot sa hacienda. Nakarating ako hanggang sa isang puno ng mangga. Medyo pagod na ako kaya sumilong muna ako dun para magpahinga ng may biglang tumalon mula sa puno na ikinagulat ko. "Kyaaaa! S-Sino ka?!"

Pero sa halip na magpakilala ay tinalikuran nya lang ako at dahan-dahang naglakad palayo.

I grabbed his arm, "Bastos ka ah! Magpakilala ka man lang." I shouted.

Lumingon sya sa akin at nagsalita, "In your dreams..." sabay tinanggal nya yung pagkakahawak ko sa kanyang braso at umalis. Mula noon 'di ko na sya nakita.

Lumipas ang ilang araw ay dumating si lolo sa hacienda.

I hugged him, "Lolo!! Buti dumating ka!"

He chuckled, "Aliyah, mag ayos ka na. May darating na bisita mamaya para magtanghalian sa atin. Ipapakilala kita sa kanila." sabay pumunta na sya sa kanyang kwarto.

Ilang oras na ang nakalipas at handa na ako. Nasulyapan ko yung dining table na puno ng masasarap na pagkain. Maya-maya'y dumating na yung bisitang iniintay namin at umupo na kami sa dining table.

"Is that your apo, Robert?" tanong noong blue eyes na matandang lalaki.

"She is, Renato." sabay inom ng tea. "Where's your apo?" tanong ni lolo.

Hindi pa man nakakapagsalita ay may dumating na batang lalaki na naka jumper suit. Napatitig ako sa kanyang mukha, ilang segundo lang ang nakalipas may nagsink-in sa utak ko. "Ikaw?!" sabay napatayo sa pagkakaupo. Sya yung lalaking tumalon mula sa punong pinagpapahingahan ko.

To Love RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon