Twelve

102 10 2
                                    

Chapter 12

*Kiss*

"Love is a force more formidable than any other. It is invisible - it cannot be seen or measured, yet it is powerful enough to transform you in a moment, and offer you more joy than any material possession could." - Anonymous

---

PLEASE READ!

(Sana po after two weeks itong chapter na ito ay may 10+ votes. Pang motivate lang. PLEASE!!! 'Yun po quota ko. Continue to support my stories!)

[Aliyah's POV]

Nakarating na kami sa venue ng royal ball. Tamang-tama lang ang laki nito para sa lahat ng 1st year to 4th year students ng Maijima Academy. Pumunta na kami malapit sa entrance.

"Lord Ian Chester Jimenez and Lady Jeco Rhines" sabi ng emcee habang naglalakad papasok ng venue 'yung dalawang magka-date.

Oo, tama kayo ng dinig. Halos ata ng mga estudyante na umattend dito sa royal ball ay may date. Kami lang tatlo ang wala.

Pero 'di inaasahang may biglang humigit sa akin na hindi ko kilalang lalaki dahil nakatalikod ito sa akin. Prinsipe na prinsipe ang dating nya sa suot nyang mamahaling coat at robe. Dinala nya ako sa mismong entrance ng hall.

Hawak-hawak nya ang kamay ko habang naglalakad papasok sa hall. Noong nagkalapat ang aming mga balat ay parang may elektrisidad na dumaloy dito. "Lord Darren Kai Lim and Lady Aliyah Rin Garcia,"

Ha? Si stupid?!

Dumiretso kami sa designated seats ng section A-0 aka special section. Noong nakaupo na ako ay tsaka lang nya binitawan 'yung kamay ko. "Bakit mo ako hinila?" tanong ko sa kanya

"Wala kasi akong ka-partner, sakto nakita kita kaya ikaw ginawa kong partner." aniya habang natatawa.

I rolled my eyes. Wala na akong magagawa pa. Nangyari na eh.

"Lady Lorraine Hernandez and Lady Natalie Romualdez," nakangiti silang naglalakad papunta sa amin.

Lumapit muna sa akin si Nats at hinila ako papalayo kay Darren, "Hindi ko alam na date mo pala si Darren, Aliyah. I mean 'diba galit ka sa kanya?"

Lumingon ako kay Nats, "That's not true. Hinila nya lang ako. And you know I still hate boys like him."

"Naka-move on ka na ba talaga, Rin?" tanong ni Nats. "I mean, it's been a year since that day happened."

Rin ang tawag nya sa akin kapag nasa band performance kami at kapag seryoso ang usapan lalo na kapag sa nakaraan naming tatlo ni Star. "Madaling sabihin ang salitang MOVE ON, Nats. Pero alam mo namang mahirap 'tong gawin. Lalo na kapag malala ang ginawa nya sayo." pagpapaliwanag ko kay Nats.

"Kung gusto mo talagang makalimutan sya, maraming paraan. Kung ayaw mo naman, maraming dahilan. It's either mahal mo parin sya or you're still seeking for revenge," payo sa akin ni Nats.

Hindi na ako nakapagsalita pa. Bumalik na lang ulit kami sa aming upuan.

"Lord Azekiel Rivera and Lady Jinx Charie Fortunato,"

"Wow! Himala at umattend si Jaycee sa Royal ball." ani Cherry.

Si Jinx Charie Fortunato, ang rank 2 namin. Madalang syang pumasok dahil sa ikinalat na malas daw syang tao. Sa pangalan pa nga daw nya malas na. Pero sa likod nito ay ang hindi matatalong katalinuhan pagdating sa programming. Naka long gown sya. Black and navy blue ang color nito.

To Love RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon