Thirteen

92 7 2
                                    

Chapter 13

*Japan Concert*

Because of your smile, you make life more beautiful.” – Anonymous

--

 

[Darren's POV]

Tinulak nya ako at biglang sinampal.

Napahawak kaagad ako sa aking pisnging kanyang sinampal. Umatras sya ng konti, "How dare you to kiss me?!" sabay duro sa akin.

Nanlaki ang mga mata ako.

Kiss? I kissed her?! What the heck am I doing?!

"A-Aliyah, I'm sorry I didn't--" hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil pinutol nya kaagad ako.

"Ganyan naman kayo lagi! Hahalikan nyo bigla kami ng walang kalaban-laban. Tapos sasabihin nyo lang sorry? Sorry?!" ani Aliyah habang galit na galit na nakatingin sa akin. "Ang halik ay hindi parang isang bagay na kapag nawala o nasira ay maaaring paltan. Dahil once na nahalikan ka, permanente na yun. Wala nang bawian." tinalikuran nya ako at agad na tumakbo papalayo sa akin.

I was stunned. Hindi ko na alam ang sasabihin sa kanya. She was way too different from the other girls I've encountered before. Hindi kaagad sya bumibigay. She's not that flirty type that I've encountered a lot.

Hahabulin ko sana sya nang biglang may pumigil sa akin na lalaking naka school uniform.

"If you are planning to ruin Ojou's life, better back off or else I'll kill you." seryoso syang nakatitig sa akin noong sinabi nya yun.

Doon ko lang nakita ang kabuuan ng itsura nya. Ang buhok nya ay may highlights na kulay blue, maputla na balat, singkiting mata katulad ni Aliyah, at medyo may katangkaran na lalaki. At doon ko lang napagtanto kung sino sya.

"Seishirou Tsugumi,"

Hindi ko man lang nakita na natakot sya sa halip ay ngumiti sya sa akin, "Oh? So you remembered me Kai-kun." hawak nya pa rin ang braso ko sabay mabilis na tinutok ang isang baril sa aking baba kaya't napatingin ako sa kalangitan.

Hindi ako makagalaw na kinatatayuan ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. Hindi ko akalain na kilala ni Seishirou si Aliyah.

"Daikirai" (I hate you)

Mukhang mauudlot ang plano ko.

[Aliyah's POV]

"Are you ready for the flight, Rin?" tanong ni Manager Min sa akin. Tumango ako.

Narito ngayon kami sa Rhines Airline para sumakay sa private plane namin papuntang Japan. Sumakay na kami at umupo na ako sa right part ng plane, sa pinakadulo kung saan may bintana. Bitbit ang isang pouch na may lamang cellphone, headphone, card at....

"My g-guitar...necklace," bigla ko na namang naalala yung necklace ko.

Ilang buwan na syang nawawala. Wala pa ring tumatawag sa akin na taong nakapulot nito. Patagal na patagal lalong nawawalan na ako ng pag asa na makita ito. Nawawalan na din ako ng pag asa na makita pa si Ki-chan.

Three-seater yung naupuan ko. Bale nasa gitna ay si Reign, sa kaliwa ay si Nats. Si Star naman ay katabi ni Manager Min sa kabilang upuan. Na ngayon ay nakashades at naka-earphones at parang tulog. Na-stress daw sya dahil sa isang lalaki noong isang araw. Mikko Alvarez daw ang pangalan.

"Kyaaa~ Rin-chan! Malapit ko na makita ang mga asawa ko~" ani Reign.

“Lol! Ang dami mo palang mga kabit Reign." ani Nats.

To Love RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon