Chapter 6
*GirlDeMo*
"Friendship is a single soul dwelling in two bodies." - Anonymous
--
"This is my last good bye
Leaving all the memories of you behind
I will not wait here and waste my whole life..."
Patuloy pa rin kami sa pagre-rehearse. Nire-refresh lang namin ang aming mga sarili. Medyo kinakabahan kami sa darating na concert dahil first time namin yun kahit guest band lang kami.
Ang totoo nyan, 1 year pa lang akong vocalist ng GirlDeMo. Medyo nangangapa pa ako. Medyo mahirap din ang pagkakaroon ng banda. Maraming ka-kumpitensya at minsan mga haters.
"This is my last good bye
This will be one final tear for love to die
I will not wait here and waste my whole life..."
Girl Deluxe Movers o mas kilala bilang GirlDeMo, ay isang all girl band na binubuo ng apat na miyembro. Si Natalie "Nats" Romualdez, mas kilala bilang Naru, ang drummer namin. Si Lorraine "Reign" Hernandez, mas kilala bilang Haku, ang bass guitarist at sub-vocalist namin. Si Krystal "Star" Hwang, mas kilala bilang Meiko, ang lead guitarist namin. At ako si Aliyah Rin Garcia, kilala bilang Rin, ang rhythmic guitarist at vocalist ng grupo.
Walang nakakaalam na ibang tao na may kaugnayan sa amin na parte kami ng isang banda maliban sa aming manager. Inilihim namin ito dahil ayaw naming mapahamak ang mahalaga sa buhay namin dahil sa estado ng aming buhay.
Layunin ng aming banda na mapahiwatig sa inyo ang aming nararamdaman. Sa bawat linya ng aming mga kanta.
Pero bago kami ay may nauna ng miyembro ang GirlDeMo. Sila ang nagpabago sa aming mga buhay. Paano ko nga ba sila nakilala? At paano nagkatagpo kaming apat na magkabanda at magkaibigan.
2 years ago, sa third floor ng isang mall. Nasa may arcade ako noon at naglalaro ng pang pang paradise.
"Baka! (Stupid)" sigaw ko habang patuloy sa pagbato ng maliliit na bola sa screen.
"I hate you!" batong-bato pa rin ako.
Unti-unti ay lumabas na ang mga luha sa aking mga mata, "Bakit 'di ko agad na-realize." nanghihina na ang aking braso sa pagbato.
Naka-dalawang laro din ako.
Tinanggal ko muna ang aking salamin sa mata at pinahid ang aking mga luha. Naglakad na ako palabas ng arcade. Napansin ko na marami-rami na ang tao dito sa third floor, lalo na sa may stage. Anong meron?
Na-curious ako at agad na pumunta sa may stage.
"Hello guys! Salamat po sa pagpunta ngayon. I never thought na ganito kayo karami. Well bago pa man tayo matapos, I have a suprise guest for you guys." sabi nung mukhang model na lalaki.
Lahat nagsitilian.
"Please welcome, GirlDeMo!" GirlDeMo? Hindi naman ata name yun ng isang tao, which means...
"A band?!" sigaw ko.
At dahil sa sobrang lakas ng sigaw ko ay nagsitinginan ang lahat sa akin, at napatawa.
Dahil sa sobrang kahihiyan ay napatungo ako.
Ilang segundo lamang ay lumabas na yung banda. All girl band. Apat silang magkakagrupo. Ang mga lalaki ay nagsi-sigawan ng 'I love you Aki' Gayun din naman yung mga babae.
BINABASA MO ANG
To Love Rin
Teen Fiction[TAGLISH] Sa isang elite school, nagkakilala sina Darren, ang transfer student at Aliyah, ang top student. Isang playboy na nag-a-adjust sa kanyang bagong school habang isang emotionless heiress na hinahanap ang kababata. Dalawang taong may mapait...