Chapter 10
*Stuck in the moment *
"It's so easy to think about love, to talk about love and to wish for love but it's not always easy to recognize love even when we hold it, in our hands." - Anonymous
--
[Aliyah's POV]
Noong Saturday at Sunday, binuhos ko ang time ko sa pagre-review para sa darating na Final exam bukas. Lunes ngayon, at karamihan sa mga estudyante ay nasa library para magreview. Tuwing Finals, nagkakaroon ng new slots ang section namin dahil yung iba nga ay graduating. Taon-taon, lagi itong pinaglalabanan ng mga estudyante dahil kapag nakapasok ka sa section ay maraming benepisyo kang makukuha. Tulad ng sariling kainan sa canteen tuwing lunch, matagal na vacant time, fame at iba pa.
Aprubado naman ito ng principal. Bago mag final exam, libre ang lahat ng estudyante na pumunta kahit saang sulok ng eskwelahan basta aatupagin ay pagrereview. Pero minsan, dahil sa sobrang kagustuhan na makapasok sa section namin. Pati masamang gawain, ginagawa nila. Yung iba nagdadala ng kodigo o ikinukulong ang ibang mga estudyante para mabawasan ang karibal. Ang tanong, bakit nila ginagawa yun? Simple lang, dahil hindi ganun kadali ang final exam.
"Aliyah, nagrereview ka rin?" napalingon ako sa aking kanan. Gulat na gulat si Edel. Bigla na lang siyang napa-iling, "Sabagay mahirap din maging Rank 1." sabay balik sa paglalaro ng 2048 Puzzle.
Nasa room lang kami ngayon, hindi uso sa mga kaklase ko ang mag review, lalo na itong si Edel. Kahit pa-easy easy ito, matalino naman ito sa math. Ako kasi, medyo nire-refresh ko lang ang sarili ko. At saka ang ikinababahala ko eh yung mga tao sa paligid ko. Baka kasi may kung anong gawin sila sa akin.
Patuloy lang ako sa pagrereview ng makaramdam akong may tumitingin sa akin sa harapan. Parang katulad noong Biyernes, yung nang i-stalk sa akin. Agad akong lumingon at parang may kuryente akong naramdaman noong nagtama ang mga mata namin ni Darren.
Ano bang problema nito? Sa isip ko.
Paano kasi parang naaawa ang mga tingin nya sa akin. Di ko ito pinansin at binaling ulit ang sarili sa pagrereview.
"Gusto mo?" sabay alok sa aking ng sky flakes. Sa boses pa lang, alam ko ng si Darren 'to.
Ngunit pinili kong hindi sya pansinin. Ayaw ko kasing may maka-distract sa akin. Pero bigla na lang bumilis ang tibok ng puso noong may humawak sa aking mga kamay at tinanggal ang hawak kong libro.
"W-What is your problem?!"
Ngunit hindi umiimik si Darren, sa halip ay isang piraso ng sky flakes ang sumalubong sa akin bibig.
Bastos! Napanguya ako.
Noong naubos ko na yung kinakain ko saka ulit sya nagsalita, "Kung kelangan mo ng kausap nandito lang ako." sabay alis ng classroom.
Kelan pa sya naging concern sa akin?
Mga ilang oras din ang nakalipas at tanghalian na. Tumayo na ako sabay umalis sa classroom at pumunta na sa canteen. Sa aking paglalakad ay may nakasalubong akong dalawang nag uusap na Seniors. Napatigil sila at napa-irap noong nakita na nila ako sabay alis din.
"Solo ka ata ngayon, Aliyah..." bati sa akin ni Cherry habang dahan-dahan na umupo sa designated seat sa canteen.
"Yeah," sabi ko kay Cherry. "Hindi ko nga alam kung saan pumunta sina Nats at Reign. Wala nga din sila sa classroom kanina. Di man lang nagtetext o tumatawag sa akin kung nasaan sila." wala kasi kami practice at performance sa XO bar kapag examination week.

BINABASA MO ANG
To Love Rin
Teen Fiction[TAGLISH] Sa isang elite school, nagkakilala sina Darren, ang transfer student at Aliyah, ang top student. Isang playboy na nag-a-adjust sa kanyang bagong school habang isang emotionless heiress na hinahanap ang kababata. Dalawang taong may mapait...