Eleven

104 8 2
                                    

Chapter 11

*Royal ball*

"If there is no struggle, there is no progress." - Anonymous

---

[Darren's POV]

"Darren?" napatigil ako. Napalingon sa direksyon kung saan nanggaling 'yung boses. "What do you think you're doing?" sabi ni Edel na gulat na gulat na nakahawak sa pinto.

Nakatitig lang ako kay Edel. Nakapagtataka ang reaksyon nya ngayon. Hindi kaya may gusto sya kay Aliyah?

I smirked, "Stealing a kiss, perhaps?"

Naningkit ang mga mata nya, "Sinasamantala mo ang kahinaan nya. Hindi ka patas bro,"

Napatawa naman ako, "Oh ano naman sa'yo? You're not even his boyfriend."

"Ikaw din naman," ani Edel habang mariin na nakakuyom ang kanyang mga palad.

Naramdaman ko namang gumalaw si Aliyah. Nice timing talaga ang babaeng 'to. Nilayo ko na ang mukha ko kay Aliyah at bumalik sa aking pwesto.

"Hmm, E...del?" ani Aliyah na papikit-pikit pa dahil bagong gising.

Unti-unti syang bumangon sa pagkakahiga sa mga binti ko at tumayo. "What are you doing here?"

Napatingin naman si Edel sa kanya na nakatingin sa aking kanina. "Saving you," seryoso nyang sabi.

She was clueless of what's going right now. Kitang-kita naman sa ekspresyon ng kanyang mukha.

"Er, thanks?" sagot nya kay Edel. Lumingon sya sa akin. "Thanks sa pagbabantay sa akin habang natutulog ako," sabay ngiti at alis sa music room.

Napanganga ako sa ginawa nya.

Ilang minuto nang makaalis si Aliyah ay bigla namang napaubo si Edel. Lumingon ulit ako sa kanya. At sa pagkakataong ito, sya naman ang may nakakalokong ngiti.

'Ano na naman ba ang nagawa ko?' sa isip ko.

Bago pa ako makapagsalita ay umalis na sya sa music room at iniwanan ako sa ere.

[Natalie's POV]

Narito ako ngayon sa tapat ng sementeryo kung saan inilibing si Ate Aki. Ni-park ko muna ang aking motor sa isang tabi. Pagkatapos nito, bitbit ang paboriting bulaklak ni Ate Aki ay nagsimula na akong maglakad papunta sa puntod nya.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isipan at pumunta ako ngayon sa puntod nya. Isang taon na din pala ang nakakalipas noong pumanaw siya.

Bumalik sa akin ang mga masasayang alaala kasama siya at si Krystal. 'Yung mga panahon na kalaro ko sya sa drum live station at sya laging nakakatalo. Pero ngayon wala na.

Ang hirap mawalan ng mahal sa buhay. Pero mas mahirap pala ang magpanggap sa iba na malakas ka. Minsan iniisip ko din, gaano ba sila kamanhid para hindi makita ang totoong kalagayan ko?

Maya-maya pa'y nakarating na ako sa harapan ng puntod nya.

Akira Gonzalez Suzuki

Born: March 05, 1990

Died: February 8, 2013

Umupo ako sa tabi ng lapida nya, "Ate Aki, sabihin mo nga sa akin. Hanggang kailan ako magkakaganito?" unti-unting bumuhos ang luha ko. "Pinipilit ko namang magpakatatag para sa kanila, lalo na kay Rin. Pero ang hirap."

Pinatong ko sa kanyang lapida ang paborito nyang bulaklak, "Ate Aki, bigyan mo naman ako ng isang sign. Isang sign na tutulong sa akin para maka-move on na ako sa pagkawala mo."

To Love RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon