Eighteen

92 3 0
                                    

Chapter 18
*Memories*

“Never frown even when you are sad, because you never know who could be falling in love with your smile.” – Anonymous


--


[Natalie's POV]


Dalawang araw na ang nakakalipas, hindi pa rin gumigising si Rin. Dalawang araw na din syang 'di nakakauwi sa bahay nila. Sabi ng doctor, baka daw nagrerecover pa ng lakas si Rin. At posibleng maconfine ito for 2 weeks.


Narito ngayon ulit ako sa ospital, sa room nya. Simula kasi noong dinala si Rin dito ay hindi ko maiwasang dumalaw sa kanya tuwing may bakante akong oras.


Hindi ko na alam ang gagawin ko sa sandaling tumawag o magpakita 'yung lolo o butler ni Aliyah sa akin. Sa pagkakaalam ko kasi, hindi nila alam na nagbabanda si Aliyah. Dahil sabi sa akin ni Aliyah dati, sa oras na malaman ito ng lolo nya ay baka ma-disband kaming apat. Kaya sobrang ingat namin.


Tinitigan ko ng matagal si Rin. Medyo hindi na sya namumutla ngayon. Pero mas pinagdadasal ko ngayon ay magising na sya.


Hinawakan ko 'yung kamay nya ng mahigpit. "Please wake up. Maraming nag iintay sayo." tumingin ako sa may table na may nakalagay na isang basket ng prutas, mga bulaklak na nakalagay sa vase at Teddy bear.


Ilang minuto din akong nanatili sa ospital. Pagkatapos noon ay agad kong hinalikan sa noo si Aliyah para mag paalam at umalis ng ospital.


Minabuti ko munang pumunta sa Mall of Asia sa may arcade para maglaro ng Drum Live Station. Biglang bumabalik 'yung mga panahon na bago pa lamang ako natututong magdrums dahil kay ate Aki. Noong mga 14 years old palang ako ay tinuturuan nya na akong mga drums. Madali lang naman kasi akong matuto.


Lumapit ako dun sa may Drum Live Station, sakto at bakante. Agad akong pumasok sa loob nito at kinuha 'yung drum sticks. Kinuha ko din 'yung card ko sa bulsa ng aking pantalon at ini-swipe.


Canon Rock - 3.0 - Crazy


Ito muna ang una kong pinili na kanta. Naka-pwesto na ako. Nagsimula ng tumunog 'yung opening.

Nagsimula na akong maglaro. Hinampas ‘yung cymbals na nasa kaliwa. Napapikit ako. Feel na feel ko ang pagtugtog ko. Mula sa pagtipa ko nung bass drum hanggang sa kusang gumalaw na lang ang katawan ko.

Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti. I really love playing drums. Pinapangarap ko nga na magtagal kaming magkakasama sa banda nina Rin. I really don’t wanna disband so early. Hanggang ilang minuto lang ang nakalipas, natapos na din akong maglaro ng Drum Live Station.

“Awesome”

Napalingon sya sa direksyon kung saan may nagsalita. Isang lalaking naka black leather jacket na may sakbit na backpack. Kung titingnan mo sya ngayon, siguro matatakot ka o magugulat sa pag approach nya sayo. Paano ba naman kasi, ‘yung mga mata nya napaka-cold samahan mo pa nung eyebags nya. Mapagkakamalan nga ata sya na gangster.

“Thanks, hehe” sabay pilit na ngiti.

Nakita kong namula ng konti ‘yung pisngi nya sabay napakamot sa kanyang batok. Paalis na sana ako sa arcade ng bigla ulit syang nagsalita.

To Love RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon