Chapter 2
*The voice*
"The future is unknown." - Anonymous
--
Nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko ngayon. Kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko at nagbabakasakali na bumalik ang dating itsura nung pumasok. Pero hindi nagbago.
"Shet! Totoo ba talaga tong nakikita ko?" bulong ko sa sarili ko.
Yung Mona Lisa na tinawag akong baka na nakabanggaan ko kanina, section A-0?! Kaklase ko?!
Umupo na kami sa aming mga upuan, gayun din sya. Nagulat na lang ako nung lumapit sa kanya yung dalawang bumati sa akin kanina. Ka-close nila yung Mona Lisa na iyon? Tiyaga nila ah.
Makalipas ang ilang minuto minabuti ko munang magpatunog ng kanta sa aking iPhone. Ang boring kasi, 'di tulad sa dati kong school. Paano ba naman, kanya-kanya silang gawa. Yung iba nagbabasa ng libro, yung iba naman nagta-type sa laptop nila. Parang ang busy na tao, eh ako pa-easy easy lang.
"Good morning students!" napabalikwas ako sa aking upuan at napaayos ng upo ng marinig ang boses ng isang professor.
Agad naman tumayo ang lahat at bumati dito. Tapos pinaupo din kami kaagad. Bigla namang lumingon sa akin yung professor at sinenyasan ako na pumunta sa unahan. Agad naman akong tumayo at pumunta doon.
"I know you're all aware that Mr. Lim is a transfer student here in our academy. Even though 3 months na lang at patapos na ang school year." panimula nito.
"But the principal of Hope Academy, asked our very own principal to transfer him here, because of his high mark grades and talent that is beyond the capability of their academy. So I hope na sana makasundo nyo sya agad. By the way Mr. Lim, I'm your English professor, Ms. Georgette." pagkatapos ng mahabang speech ni Ms. Georgette ay napakilala na ako sa kanila.
Matapos nun ay bumalik na ulit ako sa aking upuan.
Ilang oras din ang nakalipas at lunch time na. Narito na ako sa canteen namin na mala-restaurant kasama ang mga kaklase ko. Lahat kami'y nakaupo na sa isang mahabang table.
Akmang aalis sana ako sa aking upuan para bumili ng pagkain ng may biglang pumigil sa akin, "Di na kailangan." sabi nito sa akin. "May magdadala na ng pagkain sa atin." dagdag pa nito, sabay ngiti sa akin.
Parang dinugo yata ang ilong ko sa ngiting yun. Eh ikaw kaya ang mahawakan ng babae at ngitian ka pa. Aba'y may itsura to. "Darren right? By the way, I'm Cherry Caballero..." patuloy ito sa pagsasalita habang ako'y patuloy sa pag-iiscan ng katawan nito. At saktong tumama ang tingin ko sa kanyang hinaharap. At napatulala dito. "....Rank 9 sa klase. My parents are both lawyers. Nice to---" bigla syang natigilan sa pagsasalita.
Napatingin naman ako kanya sa mga mata. "Mr. Lim, hindi mo ba alam na sa batas ng ating school code 13 na kapag nahuli kang may dirty mind sa isang babae eh maaaring ma-suspend for 3 days? So kung ayaw mo masuspend, can you stop looking at my boobs?" kalma na may pagka-inis na sabi nito sa akin. Shet, lawyer nga pala magulang nito kaya maraming alam na batas.
![](https://img.wattpad.com/cover/9713230-288-k136515.jpg)
BINABASA MO ANG
To Love Rin
Teen Fiction[TAGLISH] Sa isang elite school, nagkakilala sina Darren, ang transfer student at Aliyah, ang top student. Isang playboy na nag-a-adjust sa kanyang bagong school habang isang emotionless heiress na hinahanap ang kababata. Dalawang taong may mapait...