Twenty Four

78 1 0
                                    

Chapter 24

*Best Friend*

"Ten minutes with a genuine friend is better than years spent with anyone less." — Anonymous

[3RD PERSPECTIVE]

 

"One-two-one-two-three-four!"

 

Limang araw na ang nakakalipas simula noong na-confine sa ospital si Tsugumi. Medyo umaayos na ang pakiramdam niya. Mabuti na lang at walang internal organs na na-damage. Wala namang tigil sa pag-e-ensayo sina Aliyah, Natalie, Krystal at Reign para sa concert ng We The Kings sa Pilipinas sa susunod na linggo. Kung tutuusin ay huling-huli na sila dahil sa maraming pangyayaring naganap tulad ng pagkakasakit ni Aliyah.

"Lively laughing voices are running through my head,"

Hindi mo makikita sa mga mata ni Aliyah ang kaba. Nandun parin ang linaw at ganda ng pagkanta niya.

"As I close my eyes,"

 

Isang kanta galing sa kanila at isang kanta ng We The Kings ang ipe-perform nila. Itong kinakanta niya ngayon ay isang original composed song. Dedicated sa isang malapit na tao.

 

"Don't you dare cry when I'm

 

Napatigil sa pagkanta si Aliyah noong pumalya sa pagtugtog si Reign. "Ano ba yan, Reign? Uulit na naman tayo." Ani Star kay Reign.

 

"S-Sorry. Sorry talaga." Napatungo si Reign sa kahihiyan. Paano ba naman, ilang araw na maayos silang nagpra-practice tas ngayon pa siya nagkakamali.

 

Napabuntong-hininga na lang si Aliyah. "Oh sige, pahinga muna tayo. 3 oras na naman tayong nagpra-practice." Ani Aliyah at tinanggal muna ang kanyang gitara sa pagkakasabit sa kanyang katawan,

 

Sinunod naman nang tatlo si Aliyah. Kumuha si Aliyah ng apat na bote ng tubig sa kanilang tabihan. "Oh, uminom muna at baka nauuhaw na kayo."

 

 

"Thanks," sagot nung tatlo.

 

"Magandang buhay!"

 

 

Napalingon lahat sila sa nagsalita. Si Manager Minzy. Ilang araw din na hindi nagpakita dahil sa tampuhan nila ni Aliyah. Nahiya nga din siya dahil nasampal niya si Aliyah.

 

"Aliyah, sorry nga pala sa nangyari dati. Hindi ko intensyon 'yun. Dala lang ng emosyon. Sana mapatawad mo ako." Ani Minzy habang papalapit kay Aliyah.

Sabay-sabay na napakunot sina Natalie, Krystal at Reign. Hindi kasi nila alam kung anong pinag-uusapan nina Aliyah at Manager Min.

"Okay lang, Manager. Sorry din sa nagawa ko. Sana nga sinunod na lang kita noon." ani Aliyah.

"Bakit?" ani Manager at inakit si Aliyah na lumabas muna ng studio. "Ano bang nangyari noong nag-usap kayo?" at umupo sila sa isang bench para magpahangin na din.

To Love RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon