Chapter 3
*The Plan*
"Enjoy the moments you're living in, they don't last forever." - Anonymous
--
'You don't know me?' Isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin maalis-alis sa aking utak ang huling sinabi sa akin ni Aliyah. Bukod sa sya ang kauna-unahang babaeng na nang i-snob sa charms at kagwapuhan ko. Eh nakakainis yung mukha nyang walang expression.
Narito ako ngayon sa aming classroom. Napakatahimik, wala kahit isang umiimik. Lahat may pinagkakaabalahan, nakakainip. Buti na lang kahit papaano nakakakwentuhan ko si pareng Edel kasi kami lang ang lalaki sa klase. Marami syang naikwento tungkol sa school at sa special section.
Ang SA-0 ay 10 piling tao mula 1st year to 4th year students na bukod sa pinakakilala at pinakasikat. Sila din ay may natatanging talento at talino. At kasama ako dun. Mwahaha!
"Oy Darren, bakit nga pala 'di mo kilala si 1st?" tanong ni Edel sa akin.
"1st? Yung Aliyah?" balik tanong ko naman sa kanya.
"Oo, sya nga. Sikat na sikat kaya yun sa buong academy." sagot nya.
Sikat? As in sikat yung Mona Lisa na yun? Di kapani-paniwala.
Maya-maya'y may biglang pumasok na idea sa aking utak. 'Gagawin ko ang lahat para mapansin nya ako!' Oo nga pala kelangan may gawin ako para mapansin ako nung Mona Lisa na yun. Pero bago ang lahat kelangan mag plano muna ako.
"Edel, gaano mo kilala yung Aliyah na yun?" tanong ko kay Edel. Naisip ko kasi na para mapansin ako noong Aliyah at the same time mahulog sa charms ko, kelangan may konting background information akong malaman tungkol sa kanya.
"Si 1st, well bukod sa Rank 1 sya sa section natin. Sya ang apo ng may ari ng Garcia Toy Company. At minsan excuse sya sa klase." sagot nya sa akin.
Matapos kong tanungin si Edel ay nagtanung-tanong pa ako sa iba ko pang kaklase. Balak ko sanang lapitan si Cherry, kaso naisip ko baka masama pa rin loob nya sa akin dahil sa ginawa ko noong isang araw kaya di ko muna nilapitan.
"Delayed ang flight ko?! No way! I need to go to Korea immediately! May mga clients pa si appa (Dad) na naghihintay sa akin." sigaw ng isang babaeng naka-braid ang buhok sa kausap nya sa telepono.
Napatingin ako sa kanya.
Grabe naman ito. Kelangang sigawan yung katawagan nya? Paniguradong binging-bingi yun sa boses nya. Maya-maya'y binaba na nya yung telepono.
Nagulat na lang ako ng tumingin sa akin yung naka-braid na babae. "Why are you staring at me?" tanong nito sa akin. May pagka-maldita pala to. Interesting. Lets see kung tatalab yung charms ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
To Love Rin
Teen Fiction[TAGLISH] Sa isang elite school, nagkakilala sina Darren, ang transfer student at Aliyah, ang top student. Isang playboy na nag-a-adjust sa kanyang bagong school habang isang emotionless heiress na hinahanap ang kababata. Dalawang taong may mapait...