Chapter 17
*Unexpected*“All conflict can be traced back to someone’s feelings getting hurt, don’t you think?” - Anonymous
--
[Aliyah's POV]
"What are you doing here, Kyle?"
Namutla ako.
Sa lahat ba ng pwede kong maimik. Bakit 'yun pa?
Napabitaw sa pagkakahawak si Kyle kay Darren. Napalingon siya sa akin at nanlalaki ang kanyang mga mata. Isang tao lang kasi ang tumatawag sa kanya nang ganun, at walang iba kundi ako, si Aliyah Rin Garcia.
Lumapit siya sa akin, napaatras ako nang konti.
"Miss, h-how did you--?" Nauutal nyang tanong.
Hindi ako makaimik. Nakatitig lang ako sa kanya. Ang laki-laki na talaga ng pinagbago niya. Maikli na 'yung buhok nya ngayon, may piercing sya sa kanang tenga, naka navy blue syang polo shirt at nakabrown na pants. At hindi pa rin ako makapaniwala na hanggang ngayon ay parang natutunaw pa rin ako sa tuwing magtatama ang aming mga mata.
Hindi ko mawari kung ano na ang itsura ko ngayon. Nahahalata na nya kaya sa mga kilos ko? Paano na 'to?
Napalingon naman ako kay Darren, nakakapanglamig ang mga titig nya sa amin. Halos sampung segundo din syang ganun. Nagulat na lang ako noong unti-unti syang umatras at naglakad papalayo sa amin ng walang imik.
Ano namang nangyari sa kanya?
[3RD PERSPECTIVE]
Kararating lang noon ni Xavier sa café. Doon kasi nya tatagpuin ang kanyang girlfriend na kauuwi lang kahapon galing sa isang school trip sa Australia. Ni-grahe nya muna 'yung Mercedes nya at saktong papunta sa loob ng café noong nakita nyang ginugulo nang isang lalaki ang isang babae.
Inawat nya ito sa pamamagitan ng pagpigil sa kamay noong lalaki na aakmang hahawakan ulit 'yung babae. Pero hindi sya makapaniwala noong sandaling binanggit noong babae 'yung second name nya.
Halos magda-dalawang taon na din ang nakalipas noong huling narinig ni Xavier ang pangalawang pangalan nya which is Kyle. Xavier Kyle Aquino kasi ang buong pangalan nya. Isang babae lang kasi ang tumatawag sa kanya noon, at walang iba kundi ang ex-girlfriend nyang si Aliyah.
Simula kasi noong lumipat sya ng ibang school ay mas prefer nyang tawagin sya na Xavier, dahil kung Kyle ang itatawag sa kanya ng mga kaklase nya ay maaalala lang nya si Aliyah. Lalo na ngayo't may girlfriend na ulit sya.
Pero ang mas pinagtataka nya ay paano nalaman nang babaeng nasa harapan nya ngayon ang pangalan nya? 'Hindi pwedeng nagkataon lang ito' sa isip nya.
Hindi man lang sinagot ni Aliyah ang tanong ni Kyle. Nagdududa na si Xavier (or Kyle) dito. Pakiramdam nya ay isang misteryosong babae ito.
"Miss, sino ka ba? Paano mo nalaman ang second name ko?" Aniya habang nakatitig kay Aliyah. "Isang tao lang ang tumatawag sa akin noon. Ikaw ba yan--" hindi na natapos ni Xavier ang tanong nya dahil biglang may tumigil na sasakyan sa harapan nila at may bumaba na babae na nasa mid 50s ang itsura at lumapit doon kay Aliyah.
"Miss Rin! I'm really sorry! Paano ba ako makakabawi sayo? Do you want some drinks--"
Hinawakan ni Aliyah ang braso noong babae. "U-umalis na t-tayo dito, p-please?" Nauutal nitong pakiusap doon sa katagpuan niya. Ayaw na kasi ni Aliyah na harapin pa si Kyle. Pakiramdam nya ay sumisikip ang kanyang dibdib kapag magtatagal pa sya kasama nito.
Agad namang sinunod noong babae si Aliyah.
Naunang pumunta sa sasakyan yung babae para buksan yung pinto ng kotse. Akmang lalakad na si Aliyah sa may kotse nang nakaramdam sya ng pananakit ng ulo. Napatigil siya. Agad syang napahawak dito at napatungo. Nararamdaman nya na umiikot ang kanyang paligid.
BINABASA MO ANG
To Love Rin
Teen Fiction[TAGLISH] Sa isang elite school, nagkakilala sina Darren, ang transfer student at Aliyah, ang top student. Isang playboy na nag-a-adjust sa kanyang bagong school habang isang emotionless heiress na hinahanap ang kababata. Dalawang taong may mapait...