Fifteen

78 5 3
                                    

 Chapter 15

*Abnormal*

“Love warms the heart.” - Anonymous

 --

[Aliyah’s POV]

Magmula noong umuwi kami galing Japan ay parang may nag iba kay Manager Min. Kahit ipinapakita nya sa amin na masigla siya ay nagkakataon na nahuhuli namin siyang seryosong nakatingin sa malayo at parang ang lalim nang iniisip.

Sa ngayon ay maaga akong pumunta ng school. Ngayon kasi malalaman kung sino ang umangat o bumaba ang rankings. Kung tutuusin ay kaya naman ng school na i-post na lang ito sa website nila ngunit mas minabuti na actual na lang sabihin ng faculty ang rankings.

Naglakad na ako papunta sa gym dahil doon magaganap ang announcement.

Pagkatapak ko sa loob ng gym ay agad kong nadatnan ang iba pang estudyante na maayos na nakahanay by year. Agad akong pumunta sa unang hanay kung nasaan sina Reign, Edel, Jeco at stupid.

“Am I late?” tanong ko kay Reign.

Umiling sya.

“You’re just in time, Rin-chan! Parating na si Miss Georgette.”

“Good morning students of Maijima Academy!” bati ni Miss Georgette.

 “I know you’re all aware that every last semester, we’re giving the non-special section students a chance to be part of the special section. But being part of it is not very easy, ‘cause you need to have a grade of 95-99% in every subjects. And now, I will announce the top 10 students who will be part of the special section A-0 for the next semester.”

Lahat ay seryosong nakatingin kay Miss Georgette.

Simula noong tumuntong sila sa eskwelahan na ‘to ay alam na nila na ganito ang rule dito. Maaaring makapasok ‘yung mga anak ng mga sikat na tao sa Maijima Academy, maliban lang sa special section.

Depende na lang kung magta-take ka ng special exam na karaniwan na mahihirap ‘yung mga tanong, at mga seryosong nag-aral lang ang nakakapasa.

“Rank 10…” habang nagsasalita si Miss Georgette ay unti-unting lumalabas sa projector ‘yung latest rankings. Hanggang umabot na sa Rank 1.

Latest Rankings

1. Aliyah Rin Garcia – 1st year (upcoming 2nd year)

2. Darren Kai Lim – 1st year (upcoming 2nd year)

3. Natalie Romualdez – 2nd year (upcoming 3rd year)

4. Lorraine Hernandez – 1st year (upcoming 2nd year)

5. Edel Costacio – 1st year (upcoming 2nd year)

6. Diane Santos – 2nd year (upcoming 3rd year)

7. Pauline Khayla Villareal – 3nd year (upcoming 4th year)

8. Jeco Rhines – 1st year (upcoming 2nd year)

9. Dave Cruz – 2nd year (upcoming 3rd year)

10. Kayla Yu – 3rd year (upcoming 4th year)

To Love RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon