Four

179 13 6
                                    

Chapter 4

*The Party*

"Two people are connected at heart, it doesn't matter what you do, there are no boundaries or barriers if they are destined to be together." - Anonymous

--

        Matapos kong kausapin yung babae eh agad itong bumaba sa rooftoop at tanging ako lang ang natira dito. Napakaganda ng view dito sa rooftop. Kitang-kita yung napakagandang mini park kung saan pinagtatambayan ng mga estudyante 'pag free time nila.

        Maya-maya'y naisipan kong humiga sa lapag. Ang dalawang kamay ko'y nakasuporta sa aking ulo. Pumikit muna ako ng saglit ng biglang humangin ng malakas. "Nakakamiss din pala to," nasambit ko nalang.

        Gawain ko kasi ito dati sa dati kong school 'pag free time, ang matulog sa rooftop. Konti lang naman ang deperensya nitong rooftop sa rooftop ng Hope. Dalawa ang vending machine dito at bench. Tapos may konting halaman dito samantalang sa Hope ay tig isa lang, at walang halaman.

        Makakatulog na sana ako ng biglang tumunog ang cp ko. Agad ko naman itong kinuha sa aking bulsa at binuksan. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

        Totoo ba ito?

        Agad ko namang sinagot yung tawag. "Hey there buddy~" masayang bati ko dun sa kabilang linya.

        "Wala akong time na makipag biruan sayo Kai. 7pm sa dating tambayan. Attend or you'll be dead." then in-end na nung nasa kabilang linya yung call.

        "Haaay... Wala pa ring pinagbago yung yelo na yun." nasabi ko at napabuntong-hininga na lang.

        Andrei Villaruiz. Mas kilala ng nakakarami bilang 'Ice'. May pagkacold ang attitude noong lalaking yun, pero nakakasundo ko naman paminsan-minsan.

        Nawalan na ako ng ganang matulog. Kaya bumangon na ako at minabuting bumalik na sa klase. Pagkabukas ko pa lamang ay nadatnan ko na walang ni isang tao sa room. "Nasaan naman kaya sila?" tanong ko sa sarili ko.

        Sinarado ko na muli ang pinto at naglakad sa hallway pababa sa ground floor. Naisipan kong pumunta sa faculty, baka sakaling may alam sila kung nasaan yung iba kong kaklase na nawala na lang ng parang bula.

        Nadatnan ko sa faculty si Ms Georgette.

        "Ms. Georgette, alam nyo ba kung--" bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay bigla nalang nagsalita si Miss.

        "Darren! Why are you still here? You're suppose to be in the meeting." sabi sa akin ni Miss.

        Meeting? Wala akong alam na meeting. Ano kayang pinagsasabi ni Miss?

        "Miss, anong meeting?" tanong ko.

        "What? You're not informed? You have a meeting for the upcoming party next month." sagot ni Miss.

To Love RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon