Twenty One

90 1 0
                                    

Chapter 21

*Fragments of Memories*

“Love makes us vulnerable.” – Anonymous

--

[Darren's POV]

"That is my guitar necklace."

Ang seryoso kong mukha ay napalitan ng pagkagulat. Ilang beses akong tumingin sa kanya at sa hawak-hawak ko ngayong necklace.

Bigla na lang bumalik sa aking isipan 'yung mga panahon na nakabanggaan ko s'ya. Sa kanya pala ito? Matapos kasi noong umalis ako sa ere habang kasama ni Aliyah 'yung tinawag n'yang 'Kyle' ay dumiretso ako sa aming bahay. Unang bumungad noon si manang Ester na bitbit ang aking bag.

"Manang, saan nyo dadalhin 'yan?"

"Aba'y madumi na 'to. Kailangan ng labhan." Aniya sabay may inabot na kwintas sa akin. "Iyang kwintas mo pala'y nasa bag mo."

Tiningnan ko 'yung gold guitar necklace. AH! Ito 'yung kwintas na napulot ko sa sahig matapos kong makabanggaan si Aliyah.

Matapos ko kasi itong nilagay sa backpack ko ay nakalimutan ko na ito. Madalang ko kasing buksan 'yung hidden pocket sa backpack ko.

Naramdaman ko ang kamay n'ya na inaagaw sa akin 'yung necklace. Bigla akong nakaramdam ng pamumula sa aking tenga. Shet naman oh! Akala ko mapipigilan ko 'tong namumuo-este bwiset na puso-este SHET!

"Sir teka-" Ako na ang kusang nagbigay sa kanya nung kwintas at baka kung ano pang kabaliwan ang magawa ko at mabilis na umalis sa accessories shop.

Sumakay kaagad ako sa kotse ko at nag-drive pauwi sa amin.

Ano ba 'to? Bakit nararamdaman ko na naman itong bwisit na 'to? Wala namang special sa kanya. Hindi ko s'ya type, parte lang ng plano ang lahat ng 'yun. S'ya dapat ang pinapa-ibig ko, pero bakit pakiramdam ko ako 'yung nahuhulog? Hindi na talaga ito tama. Kailangan ko ng umiwas-pero paano 'yung plano ko? Itutuloy ko pa ba? Kung hindi ko itutuloy, mapapahiya ako sa kanila. Kung itutuloy ko naman, baka tuluyan na akong mahulog sa kanya.

Anong plano, Darren? Loser ka na naman ba?

Nakarating na ako sa tapat ng aming bahay. Nakapagtataka at ang lawak ng bukas ng gate namin. Hindi pa naman ako tumatawag kay manang Ester. Agad kong gr-in-ahe 'yung kotse at pumasok sa loob ng aming bahay. Agad kong nadatnan ang mga magulang ko sa may living room. Lumapit ako sa kanila.

"Darren, darling. Missed me?" tanong ni mommy sabay hinalikan ako sa aking kaliwang pisngi.

"Mom, what are you doing here? I thought-" ngumuso si mommy at yumakap kay daddy.

"Hon, our son didn't missed us!" and she fake cried, still hugging dad.

I sighed. Mom is just over reacting. She's always like that. Mom and dad are always busy with their work. Kaya noong tumungtong ako ng ten years old ay hindi na nila ako naiintindi. Halos walong taon akong nasa pangangalaga ni manang Ester.

Napatikhim si dad. "Son, how's school?"

"It's fine dad. I ranked second in our class."

"Good. Just maintain it. Bibihira lang ang makatungtong sa rank na 'yan kapag transfer student sa pinapasukan mo ngayong school."

I smiled. "Thanks, dad." Hindi ganun ka-strict si dad pagdating sa mga grades ko. All I need is to maintain a decent grade of 90% and up.

"How about your life? Anong ginagawa mo for the past 2 months na wala kami?" seryosong tanong ni dad sa akin.

"Katulad pa rin naman ng dati. I always hang out with my bros-"

To Love RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon