Sixteen

93 5 0
                                    

Chapter 16
*Motive*

“You will always fall in love, and it will always be like having your throat cut, just that fast.” - Anonymous

--

[Aliyah's POV]

Pang-lima ko ng cheese cake. Kausap ko pa rin hanggang ngayon si Seth. Aalis lang daw siya kapag umalis na ako. Kasi nai-kwento ko sa kanya na may lunch meeting ako sa producer ng We the Kings Concert. Eh alas-onse na ng umaga. 30 minutes ay aalis na ako dito sa cafè.

Hindi ako nakikinig sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanya habang patuloy sya sa pagkwe-kwento. Medyo singkitin na mata, may konting eyebags siya, matabang pisngi, pouty lips, medyo may muscle/biceps at naka-black and white na long sleeves. Tapos sa may kanan nya, sa may lamesa eh 'yung itim na baseball cap nya.

Tawang-tawa sya habang nagkwe-kwento. Kapag ginagawa nya 'yun ay lumiliit ang kanyang mga mata.

Maya-maya'y bigla syang nagtanong sa akin. "Ikaw ba si Coco?"

Napakunot naman ako ng noo. Kailan pa naging Coco ang pangalan ko? At sa pagkaka-alam ko, alam nya na ako si Rin hindi si Coco.

"Hindi, bakit--" hindi ko naituloy 'yung aking sasabihin noong biglang nagsalita si Seth.

"Kasi ikaw yung COCOmpleto sa buhay ko."

Bigla naman akong napatawa sa sinabi nya. Bumabanat pala 'yung loko! Korni nga lang.

"Ba't ka natawa? Hindi ka ba man lang kinilig? Kahit konti?" lumungkot 'yung mukha nya tapos biglang syang nag-pout.

"Ang korni mo kasi. Sinusundan mo ba ang yapak ni Coach Apl?" sabi ko sa kanya habang pinipigilan na mapatawa.

Ngumuso sya lalo. "Hindi ka nga kinilig." sabay tingin sa akin. 'Yung mga mata nya'y parang nakikipag-usap sa akin. Sinasabi na 'kiligin-ka-naman-please-look'

Biglang tumahimik. Naririnig ko lang ay ang pagbukas-sara ng pinto ng cafè. Pati na rin ang ibang taong naririto. Nakatingin lang sa may labas si Seth habang ako naman ay inuubos na ang natitirang cheese cake.

Nagtext na 'yung susundo sa akin na sa parking area na lang ako pumunta. 10 minutes na lang at parating na 'yung susundo sa akin para sa lunch meeting.

"May boyfriend kana ba?"

Nasamid ako sa sinabi nya. Umiinom na kasi ako ng tubig. Agad nya akong nilapitan at pinispis ang aking likod.

Naka-recover na ako at bumalik na sya sa kanyang upuan.

"Bakit mo naman naitanong 'yan?" habang pinupunasan ko ng panyo ang gilid ng aking labi.

"Baka kasi magselos sya sa akin kasi kasama kita ngayon." ani Seth.

Grabe, kinabahan ako dun. Akala ko kung ano na. Bigla-bigla kasing magtatanong. Tapos 'yung tanong personal pa. Akala ko may motive si Seth sa akin. Akala ko lang pala.

"Walang magseselos. Wala naman akong boyfriend." sagot ko.

Ang sabihin mo Rin. Wala kang boyfriend pero may ex.

Napa "ahh" na lang sya.

Tinawag ko na 'yung waiter para bayaran 'yung kinain kong cheese cake. Pagkatapos kong bayaran ito ay agad na akong tumayo sa aking kinauupuan.

"Sige Seth, mauuna na ako. Di ka pa ba aalis?"

Ngumiti sya. "Mga 5 minutes after mong umalis dito, saka ako aalis."

"Ah ganun ba. Salamat sa company, Seth. Bye," paalam ko at naglakad na papuntang pintuan nung cafè. Nakalabas na ako.

Natatanaw ko na 'yung gray na sasakyan na papunta na sa may parking area nung cafè na sa pagkakaalam ko ay kotse nung utusan nung producer. 'Yung kasi 'yung text nung producer. Nardo Gray Audi RS 7 'yung sasakyan. Papunta na sana ako doon nang may kamay na pumigil sa akin. Nakahawak sya sa wrist ko.

Lumingon ako. Si Seth.

"Nalimutan kong mag-goodbye sayo," aniya.

"Ha? Hindi ka ba--"

Napakabilis ng pangyayari. Nanlaki ang mga mata ko dahil hinalikan ako ni Seth sa kanang pisngi ko.

Nilayo na nya ang mukha nya sa akin. Nakita ko na namumula 'yung kaliwang tenga nya.

"S-Sige, bye!" paalam na Seth sabay punta ulit sa loob ng cafè.

Napatulala ako. Napahawak sa kanang pisngi ko. What is the meaning of this? Why did he kissed me? Ano ba talaga ang motibo nya sa akin?

Ilang segundo ay nakabalik na ako sa katinuan. Naglakad na ako papunta sa parking area.

Nakarating na ako dun sa sasakyan nung utusan ng producer. Kaso bigla akong natigilan dahil sa nakikita ko ngayon.

May nakasandal na babae sa gray na kotse habang hinahalikan ng isang lalaki torridly. Tinataas nung babae 'yung shirt nung lalaki at hinahawakan 'yung abs. Halos kulang na lang ay magmake out sila dito sa may parking area.

"Sh*t! May tao!" sabay tinulak nung lalaki 'yung kahalikan nyang babae.

"Aww.. Why do you need to push me, Babe?" sabi nung malanding babae habang inaayos 'yung damit nya.

Napatulala ako dahil kilala ko 'yung lalaki. Si Darren.

Nakatitig sya sa akin. Nanliliit ang mga mata animo'y inaalam kung sino 'yung kaharap nya. Habang ako naman ay nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa kanya.

Parang may kung anong kumirot sa aking puso. Na maling akala na naman ako. Akala ko nagbagong buhay na sya. Akala ko lang pala. Mahirap talagang mawala ang pagiging playboy. Katulad na katulad 'nya' talaga. Playboy will always be a playboy.

Buti na lang talaga at hindi nya ako nakikilala. Buti nakapang-disguise ako.

Tumalikod na ako sa kanila.

"I-I'm sorry. Akala ko kotse nung sumusundo sa akin 'yung kotse mo. Sorry kung naabala ko kayo." sabay lakad palayo.

Pero habang naglalakad ako palayo ay naramdaman ko na lang na tumutulo na ang luha sa aking mga mata.

What the--? Bakit ako umiiyak? For the second time around. Dati dahil kay Kyle, ngayon naman dahil kay Darren? May nararamdaman na ba ako sa playboy na 'yun?!

Maya-maya pa'y tumutunog na 'yung cellphone ko. May tumatawag. Tumigil muna ako sa paglalakad. Agad kong kinuha at sinagot.

"Miss Rin, nasa cafè ka pa ba?" tanong nya.

Pinilipit kong maging normal 'yung boses ko. "Y-Yes."

"Ay buti naman po! Sorry po madedelay lang ng 15 minutes ang pagsundo ko sa inyo. Na-flat kasi 'yung gulong ng kotse ko."

"Ah sige, I'll wait for you. Don't worry." sabay binaba ko na 'yung cellphone.

Maglalakad na ulit sana ako noong biglang may humawak sa aking braso.

"Rin? GirlDemo's Rin? Am I right?"

I was stunned. Kilala ko 'yung boses nya, si Darren. What the hell are you doing Aliyah? Ba't di ka nagpupumiglas?

"I-I'm sorry, hindi ko--" hindi ko na talaga kaya.

"Bitiwan mo nga ako! Why are you even explaining? I don't even know you! Kung magma-make out lang naman kayo. Siguraduhin nyong sa matinong lugar! Leche kayo!" sigaw ko habang nakaharap sa kanya.

Akmang hahawakan nya ulit 'yung braso ko nang may kamay na pumigil sa kamay ni Darren.

"Sinabi na nga nung babae na layuan mo sya. Hindi ka ba nakakaintindi?"

Napalingon ako sa kanan kung saan nanggagaling  yung boses. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o magpapasalamat. Narito sya. Hindi talaga sya nagbago kahit kailan.

Ang taong minahal ko nang lubusan.

"What are you doing here, Kyle?" bigla kong naimik.

--
Author's note: Banat pa more Seth! Leche talaga si Darren. And the return of the ex. - J. Tiffany

New character

Xavier Kyle Aquino, from Infinity University

Ex ni Rin

Portrayer: Sungjong of Infinite ---> right side 'yung picture

To Love RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon