Chapter 1
*First Encounter*
"You meet thousands of people, and none of them really mean anything to you. And then you meet one person, and your life is changed forever." - Anonymous
---
*boogsh*
Di ako makapaniwala na unang araw ko sa school na ito ay may nangyari agad. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas kasi ng impact nung pagkakabunggo. Buti na lang at malaki ang katawan ko at hindi ako natumba. Teka, ano kayang nangyari dun sa nakabungguan ko?
Agad ko naman itong nilingon. Napanganga ako.
Parang nag slow motion ang lahat. Isang maputing singkit, shoulder length hair na babae ang bumungad sa akin. 'Hinay-hinay lang sa mga chicks' biglang nagflashback sa aking isip yung sinabi ni Seth sa akin. Ito na ba yun? Yung panibagong simula ng pagiging playboy ko?
"Tulungan na kita..." iyan ang lumabas na salita sa bibig ko. Nakakalat kasi yung gamit nya.
Pero di man lang sya nagsalita at nagpatuloy sa mabilis na pagpulot ng kanyang gamit.
Di tumatalab ang charms ko sa kanya?
"Miss, I insist. Tutulungan na kita." pagpupumilit ko dun sa babae. Tapos nagtingin-tingin ako dun sa iba pang nakakalat na gamit nya at akmang pupulutin ko nang "No need," cold tone na sabi nung babae.
Hindi ko na pinulot at sa halip ay napatingin ako sa kanya. Parang di kapani-paniwala na wala man lang expression sya. Di ko malaman kung naiinis sya sa akin o hindi. Parang si Mona Lisa.
"Aren't you going to your classroom?"
Nagulat na lang ako ng may nagsalita sa aking likuran. Napatulala pala ako (?)
"Classroom?" tanong ko dun sa babae.
"Tss, baka (stupid/idiot)" ano daw " Baka ako? As in Cow? What the! Hindi naman mukhang hayop ang mukha ko?! Tapos unti-unti na syang umakyat sa hagdanan hanggang sa di ko na sya makita.
Ilang segundo ang nakaraan ng mag sink in sa utak ko yung sinabi nya, SHET!! Late na ako!!
Bago pa man ako makatakbo bigla akong may nakitang guitar necklace sa sahig. Agad ko naman itong pinulot at nilagay sa aking back pack. Pagkatapos nung ay tumakbo na ako papaakyat sa hagdanan para pumunta sa aking classroom. Ang pagkakaalam ko eh sa 2nd floor ito matatagpuan.
Bale sa ground floor ay faculty, POD at Principal's Office. Sa second floor ay 1st year habang sa third floor at 2nd year. At last ay rooftop. At dahil elite school ito. Syempre malalawak ang mga classroom at puro matatalino ang nag aaral o kaya'y mayayaman o sikat na tao sa Pilipinas.
Hingal na hingal ako ng makarating sa tapat ng classroom ko. Dinouble check ko ulit yung sign kung "1-A"
"Good luck sa akin," bulong ko sa sarili ko. At unti-unting binuksan ang pinto ng aking classroom.
***
"Weh, di nga babes. Namali ka ng punta ng classroom?" tanong sa akin ni Seth, na kausap ko ngayon sa cp.
"Badtrip nga babes! Late na nga, namali pa ng pasok ng classroom." sagot ko kay Seth.
Andito ako ngayon sa TAMANG classroom ko. Sa isang napakalaking classroom na aakalain mong mansyon! SA0 (Section A-0). Isa itong section para sa sampung pinakakilala talagang tao o kaya'y pinakamatatalino at pinakatalentadong estudyante ng Maijima Academy.
"Eh, ano na ngayon ang balita. Kamusta ang playboy/genius/maytopakminsan?" tanong sa kin ni Seth.
"Ayun, nakakagulat itong classroom ko. Mas malaki pa sa bahay namin! Saka ang unti naming magkakaklase. Sampu lang. Di tulad dyan sa school natin. Thirty tayong magkakaklase. Nakakamiss kayo babes eh!" sagot ko kay Seth.
"Iyah! Eh babes, may nabingwit ka bang chicks dyan sa bago mong school?" tanong ulit nya.
"Ah...eh...May nakabungguan ako...chicks pre. Pero parang Mona Lisa ang aura." sagot ko sa kanya.
"Naks naman! Pero sayang din! Haaay! Babes, mukhang di tumatalab yung charms mo sa kanya." Sabi ni Seth sa akin.
"Sinabi mo pa! Alam mo yung, yun nakakatapak ng pagkakalalaki! Maghanda talaga yung babaeng yun! Gagawin ko ang lahat para mapansin nya ako!" sabi ko kay Seth.
"I-push mo yan babes! Basta balitaan mo na lang ako sa mangyayari. Basta tandaan mo lagi ang motto natin. 'We can mingle, but we can't love someone. 'Cause it will leads us to pain'" payo sa akin ni Seth.
"Oo babes! Laging tatandaan ko yun--" naputol yung sasabihin ko kasi bigla na lang may nagsipasok sa classroom. Tapos saktong pinatay na ni Seth yung tawag.
"Wuuuu!" sigaw ng isang boyish na babae pero maganda ang mukha.
"A-ah... O-Ohayou (Good Morning!)..." bigla nalang akong napalayo dun sa nagsalita na lumapit sa akin. Isang naka nerd na glasses na babae at may necklace na may nakasulat na "I <3 ANIME"
"O-Ohayou..?" nasabi ko na lang.
Nakapagtataka at iba yung suot nila kaysa sa ibang estudyante. Sky blue uniform yung kanila habang sa ibang estudyante white. Bale naka Hope Academy uniform pa rin ako. Kasi wala pa akong nakukuhang uniform ng Maijima. Nag transfer lang kasi ako dito ng biglaan. Bale 3 months na lang patapos na ang school year namin kung sa Hope Academy pa ako nag aaral gayun din dito sa Maijima.
Makalipas ang ilang minuto, siyam na kaming nasa classroom. Talagang mapaghahalataan mong mayayaman at matatalino talaga. Sa mga dalang gamit pa lang.... Pero bakit wala pa yung isa? Pa-VIP?
"Oh ayan na pala siya!" sigaw nung boyish na babae.
Agad naman akong napalingon sa may pinto.
At di ako makapaniwala sa nakita ko...
![](https://img.wattpad.com/cover/9713230-288-k136515.jpg)
BINABASA MO ANG
To Love Rin
Teen Fiction[TAGLISH] Sa isang elite school, nagkakilala sina Darren, ang transfer student at Aliyah, ang top student. Isang playboy na nag-a-adjust sa kanyang bagong school habang isang emotionless heiress na hinahanap ang kababata. Dalawang taong may mapait...