Nine

103 7 2
                                    

Chapter 9

*Hallucination*

“All discarded lovers should be given a second chance, but with somebody else.” - Anonymous

--

"Young lady, bawal nyo po kainin yan."

Narito ako ngayon sa living room. Nakaupo at akmang kakainin yung stock kong stick-o sa isang cabinet ng pigilan ako ng maid namin. Matapos yung nangyari sa akin kahapon ay agad itong nakarating kay lolo. Posibleng may tauhan si lolo na nasa ospital.

"Please, kahit isa lang."

"Pero binilin po sa akin ng lolo nyo na bawal po kayong kumain ng 'di masustansyang pagkain hangga't 'di po kayo nakakabawi ng inyong lakas."

Napabuntong-hininga na lang ako at ibinalik na yung stick-o sa lalagyan at ibinigay na sa maid namin. Agad ko namang binuksan yung tv.

Habang nakabukas ito ay tumayo muna ako at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. Pagkakuha ko ay agad akong bumalik sa living room. "GirlDeMo, patuloy sa pagsikat." hindi kaagad ako nakaupo. "Napag-alaman na magkakaroon ng guest performance ang nasabing banda sa nalalapit na concert ng We The Kings sa 'Pinas..." hindi ko na tinapos yung balita at agad na pinatay yung tv.

Dumiretso agad ako sa kwarto para magpalit ng damit. Balak ko kasing maglakad-lakad sa park. 'Di naman ito kalayuan sa amin. Nakababa na ako  kwarto at nasa tapat na ng pinto ng tawagin ako nung Head Maid na si Nay Lumeng.

"Bakit po Nay Lumeng?"

"San ka pupunta anak? Gusto mo ba sabihan ko--" hindi ko na siya pinatapos at nagsalita kaagad.

"Nay, hindi na po kailangan. Sa park lang naman ako. Gusto ko lang maglakad-lakad."

Nag sigh naman siya, "Oh sige, basta mag iingat ka." sabay lumabas na ako sa bahay.

Sa aking paglalakad papunta sa park, hindi ko maiwasang mapatigil. Pakiramdam ko kasi parang may sumusunod sa akin. Kaya maya't maya lumilingon din ako sa likod ko. Pero ang bilis makapagtago.

Maya-maya pa'y nakarating na ako sa park. Umupo muna ako sa pinakamalapit na bench para magpahinga. Pumikit ako at sandaling ninamnam ang masarap na simoy ng hangin.

[Play: Somebody that I used to know by Gotye ft. Kimbra]

"Now and then I think of when we were together..." kanta ko habang pikit parin.

Inaalala ang masasaya at mapapait na sandali kasama si Kyle. Yung knight in shining slash MU slash boyfriend ko.

"Like when you said you felt so happy you could die..." sa isang iglap lang nagbago ang lahat.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin naiintindihan ang nangyari. Kung bakit siya nagkaganun. Kung bakit nya nagawa yun at niloko ako. Siguro napaka immature pa namin para sa isang relationship.

"Told myself that you were right for me

 But felt so lonely in your company

 But that was love and it's an ache I still remember" at naramdaman ko na lang na unti-unting tumulo ang aking mga luha.

2 taon na ang nakakalipas, pero bakit parang hindi ko pa rin siya makalimutan? Bakit ang hirap?

Iminulat ko na ang aking mga mata, medyo malabo ang tingin ko dahil naluluha pa rin ako. Maya-maya pa'y nakarinig ako ng isang kaluskos sa may likuran ko, sa may bush. Agad ko namang pinahid ng panyo ang aking mga luha at dali-daling sinugsog yung bush. Baka kasi yun din yung kanina pang nang-i-stalk sa akin.

"Hoy! Kung sino ka mang nagtatago. Magpakita ka na, huli na kitang nang-i-stalk." sigaw ko habang patingin-tingin sa paligid.

Pero lumipas ang limang minuto, walang nagparamdam. "Mukhang wala na at tumakas."

Hindi ko na ito inantay pa dahil baka abutin pa ako ng gabi at magmukhang tanga sa kahihintay.

***

"Two scoops of ice cream po. Strawberry and Chocolate please." sabay abot ng bayad sa cashier.

Nakarating pala ako sa may ice cream parlor na malapit sa subdivision namin. Dun kasi sa park ay walang nagtitinda ng sorbetes, am I right? Dirty ice cream. And the thing is, nakapagtataka ito. Ang alam ko maraming nagtitinda sa may park.

"Here's your order ma'am," sabay inabot na din yung bayad at umupo sa isang tabi.

Habang ako'y kumakain, bigla akong kinalibutan. Parang may nang-i-stalk pa rin sa akin. Lumingon ako sa likod. Doon nakita ko ang isang lalaking may moustache at itim na glasses  na kumakain din ng ice cream. Binilisan ko na ang pag ubos sa ice cream para makaalis at makatakas na dun sa kahina-hinalang lalaki.

At noong naubos ko na yun ice cream, ipinatong ko na sa table yung bowl at spoon at agad na umalis sa ice cream parlor. Binilisan ko ang paglalakad. Pero dahil sa katangahan, bigla nalang akong nahilo at naghina. Parang mahihimatay ako.

"H-Huh?" akala ko tuluyan na akong mahihimatay sa kalsada. Pero isang katawan ang nakasalo sa akin. Parang nag slow motion ang paligid. Nakatingin ako sa baba at doon ko nakita ang isang itim na glasses na nahulog.

"O-Okay ka lang?" medyo nahihilo at lutang pa rin ako. Hindi ko sya masagot. Ang tanging nagawa ko na lamang ay tumingin sa kanyang mga mukha at ngumiti para ipahiwatig na 'Okay lang ako'. Pero sa halip ako ay nanigas at gulat na gulat noong nakita ko yung mukha noong sumagip sa akin. Si Kyle?

Is it real or am I just hallucinating? I thought, he despise me? I thought he doesn't care for me anymore? So why is Kyle here?

Nakatulala lang ako sa kanya at unti-unting lumabas ang aking mga luha, "K-Kyle?" I mouthed while carressing his cheeks.

And then everything went blackout.

***

Nagising na lang ako na nasa kama na ako. I don't know what happened next after I fainted. Sinabi lang ni Nay Lumeng na may isang lalaki na naghatid sa akin sa bahay. Tinanong ko sa kanya kung nakilala nya yung lalaki. Pero hindi nya daw ito nakilala dahil nakashades ito.

Bigla naman tumawag si Reign. Agad itong nagsalita, "Uy Rin-chan, alam mo ba kung anong event ang dadaluhan natin after the royal ball? You wouldn't believe me! Guilty crown concert! Guilty crown! Kyaa~ Inori!"

"Ah.. ganun ba. Ahaha.." matamlay kong sagot.

"Rin-chan, are you okay?"

"Reign, if ever bang nagpakita sayo yung ex mo anong gagawin  mo?" tanong ko sa kanya.

"H-Ha? What do you mean Rin-chan?"

"Reign..." huminga muna ako ng malalim. "I don't know if I really saw him or I'm just hallucinating. I...I just saw Kyle a while ago.."

Hindi sya kaagad nakasagot, "R-Rin..."

Hindi na rin ako nakasagot sa kanya. I just found myself again crying.

Kyle, ikaw ba talaga ang nakita ko?

or am I just hallucinating?

--

Author's note: Short UD! End of Aliyah's POV! Next Chapter po ay random POV na. :) Salamat po sa pagsuporta. - J. Tiffany

To Love RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon