Chapter 27 (Painful)

61K 1.9K 2.1K
                                    

CHAPTER 27

"WHY are you still here?" Eunice asked when Thea Marie got out from the maid's quarter.

Nasa likod ng bahay ni Zach ang maid's quarter at doon siya dumiretso nang umuwi siya kahapon. Nakausap na niya ang mayordoma tungkol sa plano niya. Noong una ay hindi ito pabor sa gagawin niya pero wala itong magawa. Even Zeke couldn't stop her.

Masyado ba siyang desperada para manatili sa tabi ni Zach kahit nawala siya sa memorya nito?

Zach just got out of the hospital today and it's true that he really brought Eunice here at his own house.

Pahablot siyang hinawakan ni Eunice sa siko.

"I'm asking you, why are you still here? You should leave. You don't belong here," mariing sambit nito.

Matapang niyang sinalubong ang masamang tingin ni Eunice.

"Whatever your plans, I'll make sure that Zach will know it, Eunice. You're in a big favor right now but I won't let you win. Nawala lang ang alaala ni Zach pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi niya malalaman ang-" natigilan siya nang patuya itong tumawa.

"What will you do then? Sasabihin mong ako ang nagpasabog ng kotse at ako ang nagtangkang bumaril sa'yo? Tanga ka ba? You think I will let you do that? Yes I'm in big favor right now. Kaya isaksak mo diyan sa kukote mo na kahit ano pang sasabihin mo kay Zach ay hinding-hindi ka niya paniniwalaan. He doesn't even remember you. Ako ang mahal niya." Ngumisi ito sa huling sinabi at binitawan siya. "Hindi ka aalis dito? Fine. But be careful. I can kill you here, anytime," she warned and walked away, laughing.

Naikuyom niya ang mga kamao at nanghihinang napahawak sa pader.

"Miss Thea..."

Napalingon siya sa nagsalita.

"Manang." Awtomatiko siyang ngumiti sa mayordoma.

Awa ang nakikita niya sa mga mata nito.

"Puwede kong kausapin si Sir Zach para ipaalam na traidor ang babaeng iyon at—"

"No, Manang. We can't do that right now in his situation. Hindi natin siya puwedeng biglain," pigil niya sa mayordoma.

"Pero paano ka?" Malakas itong napabuntong-hininga.

"I will be okay, Manang. I'm sure Zeke won't let someone harm me." Pilit siyang ngumiti sa mayordoma.

"Sigurado ka ba talaga sa pinaplano mo? Baka ikapamahak ng anak ninyo ni Sir Zach. Huwag mong kakalimutang buntis ka, Miss Thea." May pag-alala sa mukha nito.

"Hindi ko po kakalimutan, Manang,"aniya sa mahinang boses.

"Pinayagan kitang magtrabaho dito sa bahay ni Sir Zach pero 'yong magagaan lang. Kinausap na ako ni Sir Zeke. Kung nakakaalala lang sana si Sir Zach ay wala ka sana sa sitwasyong ito." Napailing ito.

"Salamat sa concern, Manang. We will get rid of that woman soon. Maibabalik din sa...normal ang lahat." Malungkot siyang tumingin sa bahay.

Mahirap ito para sa kaniya. She clearly remembered what Zeke told her yesterday.

"Let me know if you want to stay away from here. Isla Fontana is always waiting for you, Thea. I will protect you not only because you are my brother's wife but I know that you are very important to him. He may have lost his memory of you but always do remember that you're his only world, Thea. We will get rid of Eunice, I promise. Babalik si kuya sa'yo, pangako 'yan."

"Babalik ka nga ba, Zach?" malungkot siyang bumulong.

"Magpahinga ka muna, Miss Thea." Iginiya siya ni Manang sa loob ng kuwarto nito.

Isla Fontana Series #1: Stolen Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now