CHAPTER 7
NAIMULAT ni Thea ang mga mata, nagising sa kailaliman ng gabi nang marinig ang mahihinang ungol mula sa labas ng munting kuwartong kinaroroonan niya.
Bumangon siya, hindi nagdalawang-isip na lumabas. Nakita niya si Zach, pabiling-biling sa maliit na papag kung saan ito nakahiga.
Nilapitan niya ang binata. Ang noo nito ay pinagpapawisan. Umupo siya sa tabi ni Zach, bahagya itong niyugyog para magising mula sa panaginip.
"Zach...gising," mahinang usal niya, hinawakan ang kamay nito.
Medyo nilakasan niya ang pagyugyog sa mga balikat ni Zach nang hindi pa rin ito nagigising.
"Gising, Zach," muling sambit niya.
Tinangka niyang hawakan ang noo nito para punasan ang pawis ng binata pero ganoon na lamang ang pagkabigla niya nang mabilis siya nitong hinawakan sa pulsuhan.
Marahas ang galaw na pinahiga siya nito sa papag, malakas na tumama ang likod niya doon na ikinangiwi niya.
"Z-Zach..." Hawak-hawak niya ang leeg, sinasakal siya ng binata.
Mula sa liwanag na nagmumula sa gasera ay kitang-kita niya ang madilim na mukha nito, tila wala sa sarili. Tila kalaban ang tingin sa kaniya. Kung hindi ito matatauhan ay siguradong mawawalan siya ng hininga.
"Zach, y-you're h-hurting me," halos hindi na siya makahinga.
Unti-unti niyang naramdaman ang panginginig ng buong katawan, lumalabo ang tingin niya kay Zach, napalitan ng ibang mukha. Ang mukha ng kaniyang asawa. Ang pananakit at pambubugbog nito sa kaniya ay bumalik lahat sa isip niya.
Pilit niyang inaalis ang mga kamay na sumasakal sa kaniya. Unti-unti iyong lumuwag. Paulit-ulit siyang napaubo.
"T-Thea..." ang akmang paghawak ng lalaki sa kaniya ay natigil nang tinabig niya ang kamay nito.
Takot na takot siya, nanginginig ang buong katawan.
"S-Stop hurting me! Please, please...A-Ayoko na. Tigilan mo na ako. Pakiusap. Ayoko na!" parang nababaliw na sigaw niya, umatras nang umatras hanggang lumapat ang likod niya sa dingding, yakap-yakap ang mga tuhod habang nanginginig sa takot.
"Thea..." Pilit siyang tinatawag ng kung sino, pero sa isip niya ay ang halimaw na mukha ng asawa, ang boses nitong kinakatakutan niya.
"Huwag mo akong hahawakan!" takot na takot na sigaw niya nang muli na naman nitong tangkaing hawakan siya.
Dali-dali siyang bumaba sa papag at tumakbo palabas. Wala siyang sapin pero ang tanging nasa isip lang niya ay makatakas mula sa asawa.
Kailangan niyang tumakbo, kailangan niyang tumakas. Papatayin siya nito kapag naabutan siya.
Dire-diretso siyang tumakbo, sinuong ang dagat hanggang sa umabot ang tubig sa beywang niya. Nawawala na siya sa sarili. Gusto lang niyang makatakas.
Naramdaman niya ang malakas na puwersang humila sa kaniya. Hinapit siya nito sa beywang pero nanlaban siya. Kinalmot niya ito sa mukha, pinagsusuntok ang dibdib nito pero hindi ito natitinag.
"Bitawan mo ako! Bitawan mo ako! Help! T-Tulungan niyo ako, please! Tulong!" Tuloy-tuloy ang panlalaban niya.
"Goddammit, Thea! Listen to me!" Ang boses na iyon ay biglang nagbago, hindi na boses ng asawa niya.
"H-Huwag mo akong sasaktan. Pakiusap..." umiiyak na pakiusap niya.
"Tangina...hindi kita sasaktan kaya tumingin ka sa'kin, Thea. Tingnan mo ako. Pakinggan mo ako. Tumingin ka sa'kin, pakiusap," mariin ang boses na utos nito.
YOU ARE READING
Isla Fontana Series #1: Stolen Heart (COMPLETED)
RomanceA VERY MATURED CONTENT. ISLA FONTANA SERIES IFS #1: Stolen Heart Thea Marie found her paradise, her peace of mind, and her home in Isla Fontana. The island where she found happiness and freedom. An island where she found love. But she knew that she...