CHAPTER 8
NAMAMANGHANG tumingin siya sa paligid habang nasa bangkang de motor siya. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Zach pero sobrang nag e-enjoy siya sa mga nakikita.
She can see small islands. Hindi niya iyon nakikita mula sa dalampasigan dahil maliliit na isla nga naman. The sea is very clear. Napakapayapa ng dagat.
She couldn't help but to look at the water. Bahagya siyang dumukwang, dinama ng daliri ang tubig at matamis na ngumiti. Tila isa siyang musmos na sabik sa mga ganitong tanawin.
"I like it here," aniya, tumingin kay Zach.
Natigilan siya nang mahuling titig na titig si Zach sa kaniya. Nawala ang ngiti niya at bahagyang nag-init ang buong mukha.
"Gusto ko dito," ulit niya, baka hindi nito naiintindihan ang sinabi niya kanina.
Tumango ito at ngumiti.
"Mas maganda doon sa pupuntahan natin," tugon ng binata.
Naikagat niya ang ibabang labi. He smiled again. Napakagandang pagmasdan. Mas maganda pa sa nakikita niya sa paligid.
Inayos niya ang buhok. Mahangin kaya nahihirapan siya sa mahaba niyang buhok. Ilang beses niya iyong iniipit sa tenga pero kumakawala pa rin, nililipad ng hangin.
Bahagya siyang nabigla nang makitang humakbang si Zach papunta sa kaniya. Awtomatiko nitong hinawakan ang buhok niya, inipon lahat at kapagkuwan ay itinali. Hindi niya iyon inaasahan. Nahihiyang ngumiti siya.
"Salamat," mahinang sambit niya.
"Pasensya na," usal nito.
"Ha?"
"Tungkol sa nangyari noong nakaraang gabi. Sinakal kita." Napabuntong-hininga ito.
"Ayos lang." Nakakaintinding tumango siya.
"Ayos ka lang ba talaga? Hindi ka magkakaganoon kung hindi kita nasaktan ng pisikal. Sana ay...huwag kang matakot sa'kin." May pag-aalala sa mga mata nito.
Niyakap niya ang sarili.
"Hindi naman ako natakot sa'yo. Sadyang...natakot lang ako sa nakaraan ko, sa mga dinanas ko mula sa kamay ng...asawa ko," aniya sa mahinang boses.
Tumitig ito sa mga mata niya.
"Walang mananakit sa'yo dito. Pangako." His eyes are full of promises.
Napakasuwerte niya dahil napunta siya sa Isla Fontana. Napakabait ng mga tao. She feels safe always especially when Zach is near.
Isla Fontana is her safe haven. And this man...makes her feel at ease for some reason.
"Salamat, Zach," emosyonal at sinserong usal niya.
Tumingin siya sa paligid nang marinig ang maingay na agos ng tubig. Papalapit nang papalapit ang tunog na iyon. Tumingin siya kay Zach, nagtataka at bahagyang nakaramdam ng kaba.
Tumingin ito sa kung saan. At ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya.
A waterfall! It's a breathtakingly beautiful waterfall!
Kaya pala pumasok sila sa iilang maliliit na isla kanina. This waterfall was hidden.
"Ang ganda!" namamanghang bulalas niya, nakaramdam ng pananabik.
She heard Zach let out a short laugh. Tila naaaliw sa reaksyon niya.
Parang gusto niyang bumaba mula sa bangka. Totoong namamangha siya. It's like a hidden paradise. Ang tubig dagat sa paligid ay napakalinaw. She could even see herself through the water.
YOU ARE READING
Isla Fontana Series #1: Stolen Heart (COMPLETED)
RomanceA VERY MATURED CONTENT. ISLA FONTANA SERIES IFS #1: Stolen Heart Thea Marie found her paradise, her peace of mind, and her home in Isla Fontana. The island where she found happiness and freedom. An island where she found love. But she knew that she...