Chapter 12 (Suck)

82.7K 2.5K 3.5K
                                    

CHAPTER 12

GABI na nang makauwi silang dalawa ni Zach. Masyado silang nag-enjoy sa date nilang dalawa kaya halos hindi na namalayan ang oras.

Zach is very sweet and funny. Wala siyang ibang ginawa kanina kundi ang tumawa sa mga kalokohan nito. Gustong-gusto niyang nakikita ang ugali nitong iyon. Palabiro, malayong-malayo sa Zach na una niyang nakilala na palaging seryoso at tila napakamahal ng ngiti.

Kanina ay kakaibang Zach ang nakita niya. Napakasarap pakinggan ng tawa nito. Ilang oras lang silang magkasama sa date na iyon pero parang pinakita na ng binata sa kaniya ang kalahating pagkatao nito. She won't forget those memories with him. Sa ilang oras na nakasama niya ito ay nasanay na siya sa mga biro at gestures ng binata.

May ugali itong basta-basta na lang siyang hahalikan kapag nakangiti siya at kahit nagsasalita siya ay sasakupin ng binata ang mga labi niya.

Pumasok siya sa kuwarto at inihanda ang damit pantulog bago maligo. Sa isla na ito ay talagang naranasan niya ang simpleng pamumuhay. Unti-unti siyang natutong mag kamay lamang sa tuwing kumakain, kumain ng simpleng mga pagkain, humiga sa papag at natutong maligo gamit lang ang tabo. Nasanay siyang magsuot ng mumurahing damit.

Simple man pero masarap sa pakiramdam. Aanhin mo nga ba ang napakagandang buhay at ang yaman kung hindi ka naman masaya? Nasanay siya sa magandang buhay, nasanay sa mga mamahaling gamit at masasarap na mga pagkain pero kahit kailan ay hindi niya naranasang maging masaya. Buhay prinsesa man ang meron siya noon pero walang nagparamdam sa kaniya na isa siyang prinsesa.

Sa islang ito ay natagpuan at naramdaman niya ang pagiging prinsesa. Pinaramdam iyon ni Zach sa kaniya at ng mga taong nasa paligid niya. Dito niya naramdaman ang totoo niyang halaga. Dito niya naranasan ang respetong hindi naibigay sa kaniya noon.

Kung maaari nga lamang manatili habang-buhay sa Isla Fontana. Mas gugustuhin niya na lang manatili dito kaysa bumalik sa dati niyang buhay.

"Nakapag-igib na ako." Nagising siya mula sa malalim na pag-iisip nang marinig na nagsalita si Zach mula sa likod niya.

Lumingon siya kay Zach. Talagang pinag-igib siya ng kasintahan para makaligo. Kanina pa siya nanlalagkit at nangangati dahil naligo sila ni Zach sa dagat kanina.

"Salamat." Nginitian niya ito.

"Maligo ka na para makapagbihis ka." Nilapitan siya nito, hinaplos ang buhok niya.

"Ikaw, hindi ka ba maliligo?"

"Kung gusto mong sabay tayo, bakit hindi?" nakangising tanong nito, umiiral na naman ang pagiging palabiro.

Pasalamat talaga ang lalaking ito, guwapo at gentleman. Natatawa na lang na hinampas niya ito sa dibdib.

'Maliligo na ako," aniya at ngumiti.

"Dalhin mo ang isang gasera para hindi madilim sa loob ng banyo," sambit nito, inabot ang isang gasera.

Inabot niya iyon at kinuha ang tuwalya. Dumiretso siya sa loob ng banyo. May sabitan ng gasera doon kaya doon niya nilagay. First time niyang maligo ng gabi sa munting banyo na ito kaya madilim nga naman kapag walang ilaw.

Sinara niya ang kawayan na nagsisilbing pinto ng banyo. Hinubad niya ang lahat ng saplot at bumuhos ng tubig sa katawan gamit ang tabo. Naglagay siya ng shampoo sa buhok mula sa maliit na lagayan. Nagsabon siya sa buong katawan.

Hindi sinasadyang nasagi niya ang gasera nang inangat niya ang kamay kaya namatay ang apoy niyon na nagsisilbing ilaw niya. Napangiwi siya dahil wala siyang makita.

"Zach..." tawag niya sa binata.

Mukhang nasa labas ito dahil hindi siya nito narinig. Ugali na nitong lumabas ng bahay sa tuwing naliligo siya.

Isla Fontana Series #1: Stolen Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now