Chapter 14 (Under The Moonlight)

79.3K 2.3K 1.6K
                                    

CHAPTER 14

"MALIGAYANG PASKO!" sabay-sabay na sigaw nilang apat at malakas na tumawa.

Nakaupo sila sa puno na nasa buhangin habang kumakain ng inihaw na karne. Ang liwanag na nanggagaling mula sa bonfire na ginawa nina Zach ay sapat na para magsilbing ilaw nila.

Ang mahihanon na paghampas ng alon mula sa dagat ay nakakagandang pakinggan, humahalo sa tawanan nila.

Tumingin siya sa tatlong magkakapatid habang sabik na binubuksan ang binigay niyang regalo na nakabalot.

Ngumiti siya habang pinagmamasdan ang magkakapatid. She's lucky to have them. Napakabait nila, itinuring siyang parang kapatid na rin. Buong puso siyang tinanggap sa islang ito.

Lumingon siya kay Zach habang abala ito sa pakikipag-inuman kay Zeke, William at Hunter. Ang ibang mga kaibigan ni Zach ay wala kaya si William at Hunter lang ang naririto.

Napapaisip siya kung hindi pa ba lasing ang mga ito? Kanina pa sila umiinom.

Nanatili siyang nakatitig kay Zach. Nakangiti ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang nakikita niya itong nakangiti. Nakakapanibago pa rin.

"Ate, baka matunaw, ha?" Lumingon siya kay Alyssa nang magsalita ito.

Mahina siyang natawa.

"Ikaw din, baka matunaw," mahina siyang natawa, inginuso si Zeke na nakatingin kay Alyssa.

Nang tumingin si Alyssa ay mabilis itong nag-iwas ng tingin na ikinatawa niya.

She saw Alyssa roll her eyes.

"Hindi mo ba gusto si Zeke?" natatawang tanong niya.

Sumimangot lang ito.

"Bata pa ako, ate. Lolo na 'yong dimunyu na 'yon," tugon nito, itinuon ang pansin sa regalong ibinigay niya.

Muli ay natawa siya.

"Grabe ka naman sa lolo. Alam kong malaki ang agwat ng edad ni Zeke sa'yo pero mag-iingat ka, kaya niyang palakihin ang tiyan mo," natatawang biro niya.

"Ate naman..." reklamo nito na mas ikinatawa niya.

Hinaplos niya ang buhok ni Alyssa. Masyado na siyang malapit sa batang ito.

"Mag-aral ka lang ng mabuti," nakangiting sambit niya.

Ngumiti ito.

"Opo, ate! Pagkatapos ng bagong taon, ililipat ako sa Maynila. Doon ako mag-aaral!" Kumikislap ang mga mata nito sa sobrang excitement.

Nabanggit na nito noong nakaraang araw ang tungkol doon. Sa Maynila na nga ito mag-aaral.

"Sigurado ka ba? May matutuluyan ka ba doon? Hindi ka natatakot?" tanong niya.

"Hindi naman po, ate. Nalulungkot din naman ako kasi mapapalayo ako dito sa isla pero babalik ako dito sa tuwing bakasyon, no. Magtitiis lang ako ng ilang taon para sa pag-aaral ko. May matutuluyan na po ako doon, nakahanda na raw. Tapos tinaasan din ang buwanang allowance ko, ate. Hindi ko na din daw kailangang gumastos kasi libre ang mga pagkain ko. Sobrang bait ng sponsor ko. Ang swerte ko, ate. Kaya pagbubutihan ko talaga ang pag-aaral," excited na excited ito habang nagkukuwento.

Ngumiti siya. It's a relief to hear it from her. Kung nagkataong malaya lang sana siya kahit saan niya gustong pumunta ay palagi niya itong pupuntahan sa Maynila kapag nag-aral na ito doon.

Akmang magsasalita pa siya nang marinig ang tawanan ng apat na kalalakihan. Napapangiti siya sa tuwing nagtatawanan ang mga ito, halatang malalim na talaga ang pinagsamahan nilang magkakaibigan. Pansin niyang si Hunter lang ang pinakatahimik sa magkakaibigan.

Isla Fontana Series #1: Stolen Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now