CHAPTER 3
"PASENSYA kung maingay ang mga kasama ko," hinging-paumanhin ni Zach sa kaniya habang ang mga kasamahan nito ay nagtatawanan sa labas.
Isa-isa niyang nakilala ang mga ito kanina. Nagpakilala ang mga kasamahan nito kanina, sa mga mata ay walang mababanaag na panghuhusga. Panghuhusga kung bakit napunta siya sa islang ito, kung sino at kung anong klaseng tao siya.
Napakabait ng mga kasamahan nito. Ramdam din niya ang respeto ng mga ito sa kaniya pero nakaramdam pa rin siya ng pagkailang dahil mag-isa lang siyang babae.
"Mga iho, nandito na naman kayo! Gustong-gusto ko talaga kapag sabado at linggo, nakikita ko ang mga pagmumukha niyo. Talaga namang napaka-pogi niyong mga bata kayo!" Narinig niya si Nanay Helen mula sa labas.
Tumingin siya kay Zach.
"Ayos lang. Napakabait ng mga kaibigan mo," magiliw niyang tugon kay Zach, nginitian ito.
"Naiilang ka ba?" tanong nito.
Alanganin siyang ngumiti.
"Medyo pero ayos lang. Nandyan naman na din si Nay Helen," aniya sa mahinang boses.
Tumingin ito sa labas.
"Kasama niya ang dalawang apo." Sinundan niya ang tingin ni Zach.
Nakita niyang may dalawang babaeng kasama si Nanay Helen. Ang isa ay pamilyar sa kaniya.
"Ah, 'yong isa, siya ang nakita ko sa sanglaan kanina," nakangiting sambit niya nang maalala ang pamilyar na mukha ng babae.
"Si Alyssa ang nakita mo kanina. Bunso siya sa magkakapatid. 'Yong isa niyang kasama, si Seiranel, pangalawa sa magkakapatid. May isa pa silang kapatid, 'yong panganay, nagtatrabaho rin sa palengke." Tumango siya sa sinabi nito, tumingin sa dalawang babae sa labas.
They are both beautiful. Kitang-kita ang kagandahan ng mga ito. Simpleng ganda pero alam niyang nakakakuha ng atensyon.
Nang makita siya ni Nanay Helen ay kinawayan siya nito at sinenyasan siyang lumapit. Napangiti siya, maayos na nagpaalam kay Zach.
Lumapit siya kay Nanay Helen. Kaagad nitong pinakilala ang dalawang naggagandahang mga apo nito.
Si Alyssa ay namilog ang mga mata nang makita siya.
"Lola, siya 'yong sinasabi ko kanina. 'Yong sinasabi kong mala-diyosa ang kagandahan," masayang sabi ni Alyssa na ikinatawa niya.
Si Seiranel ay titig na titig din sa kaniya, tila ngayon lang sila nakakita ng babaeng katulad niya.
"Grabe, ang puti mo." Halata ang paghanga sa mga mata ni Seiranel.
Nag-init ang buong pisngi niya sa natatanggap na papuri mula sa magkapatid.
"Kayo rin, ang gaganda niyong pareho," nakangiting usal niya.
Totoong parehong maganda ang dalawa. Makinis ang balat ng mga ito kahit tan. Halatang nababad lang talaga sila sa araw.
"Sama ka sa'ming maligo, ate!" excited siyang hinila ni Alyssa sa mga kamay.
"Alyssa, dahan-dahan. Baka takot sa dagat 'yang Ate Thea mo," saway ni Nay Helen sa apo.
Napangiwi siya.
"Takot nga po ako. Hindi ako marunong lumangoy," nahihiyang pag-amin niya.
"Naku, iha. Magpaturo ka kay Zach. Napakagaling lumangoy ng batang iyon. Nakakatagal sa ilalim ng tubig. Magaling sumisid," sambit ng matanda, aliw na aliw na tumawa.
YOU ARE READING
Isla Fontana Series #1: Stolen Heart (COMPLETED)
Любовные романыA VERY MATURED CONTENT. ISLA FONTANA SERIES IFS #1: Stolen Heart Thea Marie found her paradise, her peace of mind, and her home in Isla Fontana. The island where she found happiness and freedom. An island where she found love. But she knew that she...