CHAPTER 10
"ZACH!" Gulat niyang tiningnan si Zach nang makita ito sa dalampasigan kung saan dumaong ang bangkang sinakyan nila pauwi.
"Kanina ka pa dumating? Akala ko bukas ka pa makakauwi," nakangiting sambit niya.
"May inasikaso lang. Kumusta ang kasiyahan?" tanong nito habang inaalalayan siyang bumaba mula sa bangka.
Tiningnan niya si Alyssa na kanina pa nakatulala. Masyado yatang nabigla nang hinalikan ni Zeke. Natatawang inalalayan ito ng dalawang nakakatandang kapatid at nagpaalam sa kanila.
Nang makaalis ang mga ito ay muli niyang tiningnan si Zach.
"Ayos lang naman, masaya. May ganitong klaseng kasiyahan pala kayo," natatawang sambit niya.
Tumango ito at ngumiti. Bumaba ang tingin nito sa labi niya. Hindi niya mapigilang kagatin ang ibabang labi. Sasabihin ba niyang...may humalik sa kaniya?
"Kumain ka na ba? Sana pala nagbalot kami ng pagkain para may hapuna-" nabigla siya nang humakbang ito at kapagkuwan ay masuyong sinuot ang hinubad na jacket sa kaniya.
"Malamig dito sa labas. Pasok ka na sa loob baka mahamugan ka," usal nito, tumingin sa buhok niyang nililipad ng hangin.
Dahan-dahan siyang tumango. Tumitibok ng napakalakas ang puso niya. Sana ay hindi iyon naririnig ng binata. Akmang hahakbang siya nang hawakan siya nito sa kamay. Nagtatakang tiningnan niya ito.
Ngumiti ito at kinuha ang pang-tali sa pulsuhan niya. Inabot nito ang buhok niya, maayos na itinali.
Mabuti na lang at medyo madilim dahil kung hindi ay makikita nito ang pamumula ng pisngi niya. Tanging liwanag ng buwan lang ang nagsilbing ilaw nila.
Si Zach ay walang pakialam kahit medyo madilim. Napapansin niyang tila sanay na ito sa dilim. Nagsalubong ang mga mata nila ni Zach. Tila hindi siya makahinga ng maayos.
"G-Gusto mong tinatali palagi ang buhok ko," komento niya.
Mahina itong natawa.
"Mahaba ang buhok mo, nahihirapan ka sa tuwing mahangin. Hindi mo ba nagustuhan ang ginagawa ko? Hindi ka ba komportab-"
"Natatakot ako," putol niya sa sasabihin nito.
Tumitig ito sa mga mata niya.
"Natatakot saan?" tanong ng binata.
Napabuntong-hininga siya.
"Masyado na akong nasasanay sa presensya mo. Nasasanay na ako sa mga ginagawa mo para sa'kin. Zach, hindi normal ang tibok ng puso ko kapag nasa tabi kita. Hindi ko dapat maramdaman 'to, hindi ba? Kasal ako sa ibang lalaki," diretso siyang nagsalita, hindi napigilan ang emosyon.
Mataman itong tumitig sa mga mata niya, tila binabasa siya.
"Saan ka natatakot, Thea?" inisang hakbang nito ang pagitan nilang dalawa, ang mga mata ay bumaba sa labi niya.
"Natatakot ka dahil iniisip mong nagtataksil ka o natatakot ka dahil..." dinampian nito ng magaang halik ang labi niya, "unti-unting tumitibok ang puso mo para sa'kin? Saan ka doon natatakot?"
Napakurap siya sa tanong nito. Lalo na sa paghalik nito sa kaniya.
"Natatakot ako sa klase ng pagtibok ng puso ko at-"
"Kung ganoon ay pareho tayo," putol nito sa sasabihin niya.
Kumunot ang noo niya, naguguluhan.
"Pareho ang alin?" nalilitong tanong niya.
YOU ARE READING
Isla Fontana Series #1: Stolen Heart (COMPLETED)
RomanceA VERY MATURED CONTENT. ISLA FONTANA SERIES IFS #1: Stolen Heart Thea Marie found her paradise, her peace of mind, and her home in Isla Fontana. The island where she found happiness and freedom. An island where she found love. But she knew that she...