Chapter 11 (Control)

74.2K 2.4K 3.8K
                                    

CHAPTER 11

NAKANGITING pinagmasdan ni Thea Marie si Zach habang nilalapag nito sa buhangin ang dalang malapad na tela.

Nasa tabing-dagat silang dalawa. Naririnig niya ang mahihinang hampas ng alon. Konti na lang ay aabot sa kinaroroonan nila ang tubig dagat.

She don't mind, though. This is romantic for her. Payapa ang paligid, tanging mahihinang hampas ng alon lang ang kaniyang naririnig.

Sa tabi ni Zach ay ang basket. Isa-isang nilabas ng binata ang mga laman niyon, seryosong-seryoso sa ginagawa, nakakunot pa ang noo.

Naiiling na nilapitan niya ito, lumuhod at tinulungan ang binata. Sa totoo niyan ay sobrang na-touch siya sa ginagawa nito. Sobrang effort na itong ginawa ni Zach.

"Pinaghandaan mo talaga," natatawang sambit niya.

Nahihiyang napakamot ito sa ulo.

"Pasensya na, ito lang ang mga pagkain. Pinagawa ko lang kay Nanay Helen."

Nakangiting tumango siya. Kaya pala wala si Nanay Helen kanina. Papasalamatan niya si Nanay Helen pagkatapos nito.

Tiningnan niya ang mga pagkain. Ilang pirasong sandwich, inumin na nakalagay sa tumbler at mga prutas, hinog na mangga at pakwan. May iilang pirasong inihaw na karne rin na nasa bamboo stick pa. Halatang pinaghandaan ng binata. Simple lang pero sobrang na-appreciate niya.

Napangiti siya habang pinagmamasdan ang mga pagkain. Muli siyang tumingin kay Zach, nakatitig na ito sa kaniya.

"Bakit?" natatawang tanong niya.

"Napakaganda mo lalo na kapag nakangiti," tugon nito, dumukwang at dinampian ng halik ang labi niya.

Nag-init ang buong mukha niya sa ginawa ng binata. Panay na ang halik nito sa kaniya.

"K-Kain na tayo," biglang sambit niya.

Ngumiti ang binata.

"Alin ang kakainin?" nakangising tanong nito.

Natatawang hinampas niya ito sa balikat.

"Siyempre, pagkain," naiiling na natatawang tugon niya.

Hinawakan siya nito sa kamay at masuyong hinila. Napunta siya sa kandungan ng binata. Napapitlag siya nang hindi sinasadyang dumampi ang malambot na labi nito sa leeg niya.

"Salamat dahil pinagbigyan mo ako," masuyong sambit nito, tumatama ang mainit at mabangong hininga ng binata sa mukha niya.

"Binayaran mo ba naman si Kathy," natatawang biro niya.

Mahina itong natawa. Inabot nito ang isang sandwich at akmang isusubo sa kaniya nang pigilan niya ito.

"Ako na. Nakakahiya," aniya sa mahinang boses, inagaw mula sa kamay nito ang sandwich.

Natatawang hinayaan siya ng binata. Sinubo niya ang sandwich habang ito ay nakatingin lang sa kaniya.

"Kumain ka na," sambit niya pagkatapos ngumuya.

"Mukhang hindi yata pagkain ang gusto kong kainin," anito sa mahina at paos na boses na ikinabigla niya.

Maging ito ay tila nabigla rin. Parang napagtanto ang lumabas mula sa bibig nito. Wala sa sariling nilipat niya ang sandwich niya sa bibig nito.

"K-Kainin mo 'yan. Pagkain kainin mo," aniya sa kabadong boses.

Ramdam niya ang matinding tensyon sa pagitan nilang dalawa. Marahil ay hinahayaan niyang halikan siya ni Zach pero hindi pa siya handang lumampas sa halik ang ginagawa nilang dalawa.

Isla Fontana Series #1: Stolen Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now