Chapter 6 (True Identity)

71.6K 2.8K 5K
                                    

Mabagal po ang update ko sa kuwentong ito. Please, bear with me po and hope you understand.😘

CHAPTER 6

"SALO!"

Awtomatiko niyang sinalo ang itak na hinagis ni Zeke sa kaniya. Naiiling na tiningnan niya ito, ngumisi lang ang kapatid.

"Magaling ka naman sumalo. Kapag may nahulog, saluhin mo kaagad." Ngumisi ito, tumingin sa likuran nila.

Sinundan niya ang tingin ng kakambal. Napako ang tingin niya sa babaeng nakaputing bestida, kasama nito ang tatlong magkakapatid na si Kathy, Seiranel at Alyssa.

"Napakagandang dilag." Hindi niya alam kung sino ang tinutukoy ng kakambal dahil ang mga mata nito ay diretsong nakatingin sa bunsong apo ni Nanay Helen.

Muli siyang tumingin sa babaeng nakaputing bestida. Pansin niyang mahilig ito sa puting bestida, bumagay sa perpektong hubog ng katawan nito.

Ang mahabang buhok nito ay nililipad ng hangin. Panay ang pag-ipit nito ng sariling buhok sa tenga pero kahit anong gawin ng babae ay nililipad pa rin ng hangin ang buhok nito.

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang magsalubong ang kanilang mga mata.

"Ang balita ko nahalikan mo raw 'yang alaga mo noong nakaraang araw." Lumingon siya sa kapatid.

"Alaga?" Kumunot ang noo niya.

"Si Thea, sino pa ba?" natatawang tugon nito.

"Aksidente ko siyang nahalikan," kaagad na depensa niya.

"O, kumusta naman? Masarap?" Lumapad ang ngisi ng kambal niya.

Napailag ito nang hinagis niya sa direksyon nito ang itak na hawak. Natatawang pinulot ng kapatid sa buhangin ang itak.

"Niloloko lang kita," natatawang usal nito.

Naiiling na pinagpatuloy niya ang paglalakad. Lumingon-lingon siya sa paligid, tiningala ang matayog na niyog.

"Sino ba kasing may gustong kumain ng buko galing sa puno ng niyog?" nagrereklamong tanong ng kapatid.

Niyaya kasi niya itong kumuha ng buko.

"Si Alyssa," kibit-balikat niyang tugon.

"Nasaan ang puno? Aakyatin ko," kaagad na sambit nito, seryosong-seryoso.

Lihim siyang napangiti. Nagbibiro lang naman sana siya. Ang totoo niyan ay si Thea ang may gustong kumain ng buko at para raw makapaglibot na rin ito sa ilang bahagi ng Isla Fontana.

Sa harapan nila ay iilang nagtatayugang puno ng niyog. Nilapag ni Zeke ang itak sa buhangin at kapagkuwan ay sabay silang tumingin sa isa't-isa, pareho ang iniisip.

Sabay silang ngumisi at sabay na patakbong tinungo ang dalawang magkakalapit na puno ng niyog. Inakyat niya ang isa, si Zeke naman ay umakyat din sa isa.

Halos sabay silang umakyat, parehong eksperto hanggang sa nauna siyang nakarating sa itaas. Tumingin siya sa kapatid, ngumisi.

"Limang daan, talo ka," sambit niya na ikinatawa nito.

Ganito ang hilig nilang magkapatid, paligsahan. Kung sino ang huli, siya ang talo.

"Pinagbigyan lang kita, tol," mayabang na tugon ng kapatid.

Naiiling na sumampa siya sa pinakaitaas. Binalanse niya ang sarili at nag-umpisang kumuha ng niyog, isa-isang bumagsak ang mga iyon sa ibaba, si Zeke ay ganoon din ang ginagawa.

Naunang bumaba ang kapatid. Sumunod siya at natigilan nang makita si Thea na ngayon ay naliligo na sa dagat kasama si Alyssa. Napako ang tingin niya sa katawan nito. Dahil nakaputing bestida lang ito ay medyo naaaninag ang katawan.

Awtomatiko siyang pumihit patalikod, tiningnan niya ang kapatid, nakahinga ng maluwag nang makitang abala ito sa pagbukas ng buko gamit ang itak.

"Nandito na ang buko, nakabukas na. Alyssa at The—" natigilan ang kapatid nang awtomatiko niya itong pinihit patalikod nang akma itong lilingon sa kinaroroonan ni Thea at Alyssa.

"Problema mo?" tanong nito, akmang lilingon muli sa dagat nang pinigilan niya ito sa magkabilang balikat.

Nilingon niya si Thea, napabuntong-hininga. Hinubad niya ang suot na jacket.

"Huwag kang lilingon hangga't hindi ako bumabalik," mariing bilin niya sa kapatid, binitawan ito at naglakad patungo sa gawi ni Thea.

Nabigla ito nang hinawakan niya ito sa kamay, pinihit paharap at kapagkuwan ay awtomatikong isinuot sa katawan nito ang hinubad niyang jacket.

"Huwag kang maliligo sa dagat na gan'yan ang suot mo." Hindi niya alam kung bakit nagagalit siya.

Ilang beses itong napakurap, nabigla sa ginawa niya.

"P-Pasensya na," nakangiwing sambit nito.

Tumango lang siya at kapagkuwan ay tumalikod na, bumalik sa kapatid niya.

"Puwede na po ba akong lumingon, kamahalan?" sarkastikong tanong ng kapatid niya.

Hindi siya umimik. Umupo siya sa buhangin. Ang kakambal niya ay tumabi sa kaniya. Tumingin ang kakambal kay Thea Marie.

"Anong balak mo sa kaniya?" tanong nito.

"Anong mga nalamam mo tungkol sa kaniya?" balik-tanong niya sa kapatid, seryoso itong tiningnan.

Napangiwi ito, nagtitigan silang dalawa, tanging mga mata ang nag-uusap. Sa ganoong paraan sila nag-usap. Tinanguan niya ang kapatid at awtomatikong ibinalik ang tingin kay Thea.

"Mukhang...kailangan nating protektahan ang bisita sa Isla Fontana, Zeke," aniya habang nakatingin sa babae.

Ang kapatid niya ay mahinang natawa.

"Alam kong kahit wala ako, kaya mo siyang protektahan, kuya." Napalingon siya sa kapatid, nagtataka sa tinawag sa kaniya.

"Anong meron at kuya na naman ang tawag mo sa'kin?" kunot-noong tanong niya.

"Gusto ko lang." Ngumisi ito.

Muli siyang tumingin kay Thea.

"Tama bang pinanatili natin siya dito sa Isla Fontana?" tanong niya.

"Gusto mo bang guluhin niya ang mundo mo?" makahulugang balik-tanong ng kambal niya.

Hindi siya umimik ngunit nanatiling nakatingin kay Thea. Hindi niya alam kung anong meron sa babae, hindi niya maiwasang titigan ito.

Naglalakad ito ngayon patungo sa gawi nila. Sabay din na dumating ang magkapatid na Kathy at Seiranel, galing ang mga ito sa pamumulot ng mga maliliit na bato na nakasanayan nang kolektahin ng magkakapatid.

"Ate, tikman mo ang buko. Masarap 'yan," nakangiting alok ni Alyssa kay Thea Marie.

Awtomatikong ngumiti si Thea.

"Salamat." Maging sa pagngiti nito ay napapatulala siya.

Natauhan lang siya nang marinig ang pagtikhim ng kapatid niya. Nakangisi ito nang tumingin siya.

"Are you making fun of me, Zeke?" mahina ngunit mariing tanong niya sa kapatid, tanging ito lang ang nakakarinig.

Ngumisi ito.

"Now, that's the real Zaccheus," tugon ng kakambal sa mahinang boses, tanging silang dalawa lang ang nakakarinig.

Yes, he is Zaccheus Velasquez , the one and only owner of this peaceful island, Isla Fontana. He's an ex-military man who hides his true identity from the people of his own island.

To be continued...

A/N: Short update only. Ako'y magbabalik sa susunod na mga araw.😘

Isla Fontana Series #1: Stolen Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now