CHAPTER 2
ANG papalubog na araw ay humahalik sa karagatan. Napakagandang pagmasdan, napakapayapa.
Naaaliw siyang pagmasdan ang kapaligiran. Ang munting ngiti sa mga labi niya ay may bahid ng lungkot sa puso.
Pinagmasdan niya ang alon sa dagat mula sa munting bahay ni Zach. Hindi siya makapaniwalang inanod siya ng along iyon patungo sa islang ito.
Masakit pa rin ang katawan niya ngunit nakatulong ang gamot na nainom niya. It's not even prescribed by a doctor but she trust Zach on it.
Si Nanay Helen ay halos kakaalis lang. Aasikasuhin pa raw nito ang mga apo. Nakakapagtakang hindi siya nito inuusisa kung sino siya at kung saan siya nanggaling. Basta lang itong nagkuwento tungkol sa Isla Fontana, kung gaano kapayapa ang islang ito, kung gaano kabait ang mga tao at kung gaano kasipag ang mga tao dito.
Pinagmamalaki ni Nanay Helen ang grupo ng mangingisda sa Isla Fontana. Matulungin daw ang mga ito, magiliw sa mga tao, ang iba ay kalog at ang iba ay misteryoso katulad daw ni Zach.
Sa grupong mangingisda, si Zach daw ang tinuturing na pinaka-kuya ng lahat. Ito ang madalas na nagdededisyon at ito ang palaging nilalapitan ng mga tao.
Napakarami niyang nalaman tungkol sa isla. Ganoon kadaldal si Nanay Helen. Sana nga raw ay maipasyal siya ni Zach sa kabuuan ng isla dahil saulado nito ang bawat parte ng Isla Fontana.
Ayon kay Nanay Helen ay walang nakakakilala sa totoong nagmamay-ari ng Isla Fontana. May mga haka-hakang pagmamay-ari raw ito ng gobyerno at may haka-hakang isang bilyonaryo raw ang may-ari ng islang ito.
Alinman doon ang totoo, ang importante daw ay pinayagan silang mamuhay at manirahan sa tahimik na islang ito. Simple ang buhay pero masaya. Ni minsan daw ay hindi pa nagkaroon ng gulo sa maliit na islang ito.
Aaminin niyang hindi siya sanay sa simpleng buhay pero ang isiping payapa ang buhay niya sa Isla Fontana ay mas pipiliin niyang manatili dito.
Mula sa duyan ay tumayo siya at pumasok sa maliit na bahay. Kahit matigas ang higaan niya ay nahiga siya. Mabigat ang talukap ng mga mata niya, hindi na namalayang nakatulog siya.
Nagising siya sa masarap at mabangong amoy. Nagmulat siya ng mga mata, kinusot ang mga iyon. Madilim na sa labas. May konting liwanag lang sa bahay na nagmumula sa gasera.
Bumangon siya at inayos ang sarili. Sumilip siya sa maliit na bintana. Sa gilid ng bahay ay nakita niya si Zach habang nag-iihaw ng isda. Iyon pala ang naaamoy niyang mabango.
Nang matapos ito sa pag-iihaw ay umupo ito sa patay na puno ng niyog. Tumingala ito sa kalangitan, ang liwanag ng buwan ay tumatama sa guwapong mukha nito.
Ngayon niya napagmasdang mabuti ang mukha ng lalaking sumagip sa buhay niya. Ang ilong nito ay napakatangos, kitang-kita dahil nakatigilid ito sa kaniya. Kakaiba ang aura nito, tila may tinatago, napaka-misteryoso.
Napaatras siya nang tumingin ito sa gawi niya, nahuli siyang nakatingin. Awtomatiko itong tumayo.
"Gising ka na pala. Sabayan mo na akong kumain," anyaya nito at kaagad na pinasok ang inihaw nitong isda.
Lumabas siya mula sa maliit na kuwarto. Naabutan niya ang binatang hinahanda ang pagkain sa kawayang mesa.
Tumingin ito sa kanya, iminuwestra ang upuan katapat ng upuan nito. Naglakad siya at umupo doon. Awtomatiko siyang naghanap ng kutsara. Nang tumingin siya sa binata ay nakita niyang nagkakamay na ito habang kumakain.
Nagtatakang tumingin ito sa kaniya. Alanganin siyang ngumiti.
"Uh, sorry. H-Hindi kasi ako sanay mag kamay," nahihiyang sambit niya.
YOU ARE READING
Isla Fontana Series #1: Stolen Heart (COMPLETED)
RomanceA VERY MATURED CONTENT. ISLA FONTANA SERIES IFS #1: Stolen Heart Thea Marie found her paradise, her peace of mind, and her home in Isla Fontana. The island where she found happiness and freedom. An island where she found love. But she knew that she...