Chapter 9 (Kiss)

72.1K 2.6K 5.8K
                                    

CHAPTER 9

"ATE!"

Napalingon siya nang marinig ang pagtawag ni Alyssa sa kaniya.

Nakita niya ito mula sa hindi kalayuan, kumakaway sa kaniya. Nasa labas siya ng munting bahay ni Zach. Patakbo itong lumapit sa kaniya.

"May handaan malapit sa palengke mamaya, gusto mong sumama?" masayang anyaya nito.

"Talaga? Sige sasama ako pero hihintayin ko muna si Zach para magpaalam, ha? Baka kasi mag-alala, e," natatawang sambit niya.

"Walang problema, ate. Mamayang hapon ang alis natin, ha? Nakahanda na ang bangka. Pero kahit hindi ka magpaalam, malalaman din naman ni Kuya Zach kasi kami ang mga kasama mo. Atsaka 'yong handaan, taon-taon iyong ginagawa. Parang selebrasyon ng mga tao at pasasalamat dito sa Isla Fontana kasi bukod sa masagana sa mga isda ay hindi kailanman napipinsala ng anumang kalamidad ang isla," paliwanag nito, tumingin sa karagatan.

"Pangarap kong makita ng personal ang Maynila, ang mga nagkikislapang mga ilaw, ang maraming tao, ang maiingay na tunog ng sasakyan pero sa ilalim ng puso ko alam kong babalik at babalik ako dito sa isla, ate. Ito ang tahanan ko. Mahirap man ang buhay pero napakapayapa. Iyon lang naman ang importante." Napatitig siya kay Alyssa.

Sa edad na disi-nuwebe ay napaka-matured na nitong mag-isip. Ngumiti siya at ginulo ang buhok nito.

"Sana ay hindi maging malupit ang buhay sa'yo. Manatili kang masaya, Alyssa." Matamis niya itong nginitian, bahagyang pinisil ang pisngi nito.

"Ate, ikaw din po. Sana maging masaya ka at maging payapa ang buhay mo. At sana huwag ka nang umalis dito, ate. Gawin mong tahanan ang Isla Fontana, kasama kami." Hinawakan siya nito sa kamay, umaasa ang mga mata.

Parang gustong matunaw ng puso niya. Dahil alam niyang welcome na welcome siya sa islang ito. Pero tama bang manatili siya dito? Paano kung siya ang magiging dahilan ng pagkawala ng kapayapaan sa islang ito?

Natatakot siya sa iniisip. Knowing her husband, he will do everything to find her. Masyadong matalino ang asawa niya. Kapag natagpuan siya nito sa Isla Fontana, madadamay ang mga taong tumanggap at kumupkop sa kaniya.

"Kung ako ang masusunod ay ayokong umalis sa islang ito, Alyssa," tugon niya.

Lumungkot ang mga mata nito.

"Ibig bang sabihin ay...may balak kang umalis dito?" malungkot na tanong ng dalaga.

Kapag alam kong mapapahamak kayo, kailangan kong umalis.

Nginitian niya si Alyssa.

"Hintayin ko lang si Zach para magpaalam," iniba niya ang usapan.

Tumango ito at ngumiti.

"Basta sama ka, ha? Masaya doon, maraming pagkain at ang maganda doon ay may mga sumasayaw sa gitna ng apoy." Nakikita niya ang excitement sa mga mata nito.

Natatawang napailing siya.

Nang magpaalam itong umalis ay pumasok siya sa munting bahay ni Zach. Maaga itong umalis para mangisda, hindi na nga niya namalayang umalis ito dahil tulog na tulog siya.

Nagising na lang siyang nakahanda ang almusal sa mesa.

Napangiti siya. Maalaga si Zach. Ito pa nga ang nag-iigib ng pinangliligo niya araw-araw. Totoong napakasipag ng binata. He's also a gentleman. Nakakapagtakang hindi siya nakakaramdam ng anumang takot sa binata kahit alam niyang silang dalawa lang sa maliit na bahay na ito. Pinapakita at pinaparamdam ng binata ang tunay na respeto sa kaniya.

Bumalik sa isip niya ang sinabi nito noong nakaraang araw noong nasa talon sila. Nawala na iyon sa isip niya. Hindi niya sineryoso pero inaamin niyang nangilabot siya. Parang ibang Zach ang kasama niya noong nasa talon sila.

Isla Fontana Series #1: Stolen Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now