CHAPTER 20
SHE stared at the photos right in front of her. Ilang beses siyang napakurap, hindi pa rin makapaniwala na si Zach itong nasa litrato.
"Miss Thea, kanina ka pa nakatitig sa mga litrato ng Sir Zach." Naaaliw siyang nginitian ni Manang Melody, ang mayordoma ng napakalaking bahay ni Zach.
Napakamot siya sa ulo.
"Manang, Thea na lang po," nakangiwing sambit niya.
Ilang araw na siyang naririto pero hindi pa rin siya nasasanay sa special treatment ng mga tauhan ni Zach sa kaniya.
Hindi siya sanay at mukhang mahihirapan siyang sanayin ang sarili sa mga pagbabagong nakikita sa paligid lalo pa't tungkol iyon kay Zach. Nakilala niya itong simpleng lalaki lang pero ang makita kung gaano ito kayaman, nalulula siya kahit galing naman siya sa mayamang pamilya.
"Hindi po maaari, Miss Thea. Ito ang patakaran sa bahay na ito lalo pa't espesyal kang tao para sa aming amo na si Sir Zach. Dapat ka naming igalang," magalang na tugon ni Manang Melody.
Lihim siyang napabuntong-hininga.
"Gaano ba kayaman si Zach?" wala sa sariling tanong niya, nalulula sa mga nakikita sa paligid.
Napaka-moderno ng bahay ni Zach. Lahat ay napaka high-tech. Mula sa mga ilaw, pinto, binata at mga gamit ay moderno lahat. Alam niyang lahat ng mga gamit ni Zach ay hindi basta-basta ang halaga.
Narinig niyang tumawa si Manang Melody.
"Mukhang hindi nagkukuwento si Sir Zach sa inyo. Sabagay, nasa dugo na talaga nila ang mapagpakumbaba at hindi pinagmamayabang ang yamang meron sila. Mula sa mga magulang hanggang sa mga anak. Mas gusto nilang mamuhay ng tahimik at payapa. Gusto nilang maranasan ang simpleng pamumuhay noon pa man. Ginawa na iyon ng ama nila noon at ngayon ay ang mga anak naman. Kaya napakasarap pagsilbihan ng pamilyang ito kahit pasaway ang isa sa mga kambal." Nakangiting pinagmasdan ng mayordoma ang litrato ng dalawang magkapatid, si Zach at Zeke.
"Si Sir Zach at Sir Zeke, galing sila sa mayamang angkan. Pinaghalong dugong espanyol, amerikano at pilipino ang mag-asawang Velasquez kaya natural na namana iyon ng kambal. Sila ang nagmamay-ari ng Velasquez Oil Company at—"
"VOC, Manang? Si Zach ang nagmamay-ari no'n?" namamanghang tanong niya.
Manang Melody laughed.
"Opo, Miss Thea," natatawang tugon nito.
Halos mapaawang ang mga labi niya. Sikat na sikat ang VOC sa bansa. Isa iyon sa pinakamalaking oil company sa Pilipinas, hindi basta-basta ang kinikita. Ang alam niya ay bilyonaryo ang nagmamay-ari niyon.
"S-Si Zach talaga ang may-ari, Manang?" hindi pa rin makapaniwalang tanong niya.
"Totoo nga, Miss Thea. Mula nang mawala si Don Zandro, si Sir Zach at Sir Zeke na ang namamalakad ng kompanya. Parehong business minded ang dalawa, namana sa ama. Kahit noong nasa military pa lang si Sir Zach at noong buhay pa ang mga magulang nila, hindi niya pinapabayaan ang kompanya." Halatang bilib na bilib ito kay Zach sa nakikita niyang kislap ng mga mata nito.
"Hindi ko gusto kapag seryoso si Sir Zach at Sir Zeke. Malambing at maalaga si Sir Zach at maloko naman si Sir Zeke pero kapag tungkol na sa negosyo, nagiging iba ang ugali nilang dalawa." Napangiwi ang mayordoma.
"Mabait naman po si Zach, Manang," komento niya.
"Hindi tayo sure diyan, Miss Thea," makahulugan itong ngumiti, diretsong tumingin sa mga mata niya. "Huwag mo lang sana siyang makitang magalit." Muli ay napangiwi ito.
YOU ARE READING
Isla Fontana Series #1: Stolen Heart (COMPLETED)
RomanceA VERY MATURED CONTENT. ISLA FONTANA SERIES IFS #1: Stolen Heart Thea Marie found her paradise, her peace of mind, and her home in Isla Fontana. The island where she found happiness and freedom. An island where she found love. But she knew that she...