Happy Wednesday! Happy to announce that One Sweet Mistake is "Top Seller" since it launched on Nobelista last February 1. Thank you so much po sa mga nag purchase ng whole e-book of OSN sa Nobelista. Thank you for the support, guys. Appreciate it a lot po!😍 Puwede pa kayong humabol today dahil ngayon ang last day ng SALE. Purchase now and unlock all the chapters plus 2 special chapters exclusive only on Nobelista! Bukas po ay load card na ang gagamitin to unlock every chapters. See you there po! Thank you again and God bless ! 💛
CHAPTER 29
TUMINGIN si Thea sa harapan niya. Pinagmasdan niya ang alon sa karagatan. Hindi siya makapaniwala na nandito na siya ulit sa Isla Fontana.
Ilang oras na ang nakalipas simula nang makarating sila ni Zach dito. Habang nasa bangka kanina ay tahimik lang siya, ayaw pansinin ang asawa.
"Papalubog na ang araw." Narinig niyang may nagsalita sa likod niya.
Hindi siya tumugon. Nanatiling nakatutok ang mga mata niya sa karagatan.
"Thea..." agaw ni Zach sa atensyon niya.
Hinawakan siya ng asawa sa kamay at pinihit paharap. He automatically cupped her face with his hands.
"Galit ka..." anas nito.
Kinagat niya ang ibabang labi.
"Talk to me, hmm? Please?" Idinikit nito ang sariling noo sa noo niya. "Talk to me, love..." muling pakiusap ng asawa.
Tumitig siya sa labi ng asawa. Inaamin niyang nasasaktan pa rin siya habang bumabalik sa isip ang nakita sa swimming pool.
"N-Nakipag-sex ka ba talaga kay Eunice?" malungkot na tanong niya.
She saw him still and then he let out a sigh.
"Hindi ko inaasahang makikita mo ang tagpong iyon..." anas nito, dinampian ng magaang halik ang mga labi niya.
"May nangyari nga sa inyo?" nasasaktang tanong niya.
"I won't touch any woman except you, Thea. What you saw wasn't me. That was...Zeke." Kinabig siya ng asawa at ikinulong sa matitipunong mga bisig nito.
"S-Si Zeke?" naguguluhang tanong niya.
He pulled away from her and looked at her eyes.
"I already knew everything. I have hints. Alam kong buhay si Eunice. That's why I let Zeke left the wedding reception. Naisip kong hindi kami puwedeng magsama sa iisang lugar, for safety and emergency purposes. And I was right. Hindi ko inaasahang kikilos sila sa mismong gabi ng kasal natin. Nang gabing nagpaalam ka, kaagad kitang sinundan. And Zeke was just near, he didn't left. 'Yong pagsabog, pareho naming hindi inaasahan." Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya at nagpatuloy.
"Maliban kay Eunice, may kasama siyang dalawang lalaki, mga tauhan ni Brandon. They were her backup in case she failed to kill you. If she fail, those two will kill you so I went after them and Zeke went after you. We switched places. That was a sudden move, Thea. It was my decision. We had no choice but to act what's for the best during that time. Si Zeke lang ang maaasahan ko ng mga panahong iyon. Biglaan ang naging plano ko and I was grateful because my brother was too fast to know what's on my mind. We are twins after all. We are connected with each other. Kung ano ang nasa isip ko, nakukuha kaagad ng kapatid ko. Kung ano ang nasa isip niya, nakukuha ko kaagad. Ganoon kaming magkapatid. We have strong bond that no one can destroy." Zach is very proud with his brother, she can see it in his eyes.
"Siya ang nabaril sa ulo. Siya ang nakita mo sa ospital at ako ang kasama mo. All this time, ako ang kasama mo." Tutok na tutok siya habang nagsasalita ang asawa.
YOU ARE READING
Isla Fontana Series #1: Stolen Heart (COMPLETED)
RomanceA VERY MATURED CONTENT. ISLA FONTANA SERIES IFS #1: Stolen Heart Thea Marie found her paradise, her peace of mind, and her home in Isla Fontana. The island where she found happiness and freedom. An island where she found love. But she knew that she...