Chapter 30 (Missing Him)

67.4K 2.1K 2.8K
                                    

CHAPTER 30

ISANG buwan na ang lumipas. Walang narinig na kahit anong balita si Thea mula kay Zach. Gustuhin man niyang umalis sa isla, hindi iyon ganoon kadali.

She just wanted to hear from him. She's worried. Hindi iyon nakakatulong sa kaniya lalong-lalo na sa pinagbubuntis niya.

"Anak, kain ka muna." Maaga siyang pinagluto ng almusal ni Nanay Helen.

Tiningnan lang niya ang pagkain.

"Mamaya na po, Nay Helen. Hindi ako nagugutom," mahinang tugon niya, tumingin sa dalampasigan.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Napatingin siya kay Nanay Helen nang hinawakan siya nito sa kamay.

"Pinagbilin ka ni Zach sa akin, hija. Sinabi niyang buntis ka. Ilang linggo ka nang hindi kumakain ng maayos. Palagi kang tulala, palagi kang walang gana, palagi kang nakatingin lang sa dalampasigan. Thea, maniwala ka kay Zach. Nangako siyang babalik siya, hindi ba? Alam kong nag-aalala ka kung nasaan man siya ngayon o kung ano ang sitwasyon niya pero hindi siya magiging masaya kapag nalaman niyang pinapabayaan mo ang sarili mo." Masuyong hinaplos ni Nay Helen ang buhok niya.

"Nay Helen..." Maluha-luha niyang hinawakan ang kamay nito.

"Babalik siya sa'yo. Maniwala ka lang. Kung mas matatagalan man siya, babalik at babalik siya. Kaya kumain ka na. Para maayos ang kalagayan mo pagbalik niya." Nginitian siya nito.

"Opo, Nay Helen." Tumango siya at pinunasan ang pumatak na luha.

Masayang pinagsilbihan siya ni Nanay Helen. Asikasong-asikaso siya nito, halatang masaya dahil kakain siya.

She's really lucky to have them in her life. Si Kathy at Seiranel, hindi rin hinahayaang malungkot siya. Madalas ay sinasamahan siya ng dalawa na maglakad-lakad sa dalampasigan para kahit papaano ay maaliw siya.

Nang bandang hapon ay mag-isa lang siyang tumambay sa dalampasigan. Wala si Kathy at Seiranel, mamaya pa ang dating ng mga ito.

Gusto niyang panoorin ang paglubog ng araw. Miss na miss na niya si Zach. Gusto na niya itong mayakap, gusto na niyang marinig ulit ang boses nito at maging ang pagiging maasikaso nito ay namimiss niya.

Habang pinapanood ang papalubog na araw ay inangat niya ang isang kamay kung saan ay suot niya ang singsing. Hope everything will be okay soon. She just wanted peace. Sana ay wala nang masaktan pa.

"Zach..." bulong niya.

Nililipad ng hangin ang mahabang buhok niya.

"Zach..." muling bulong niya sa pangalan ng asawa. "Zach," ulit niya.

Bigla niyang naibaba ang kamay nang maramdaman ang masuyong yakap mula sa likod niya. Natigilan siya at kapagkuwan ay biglang humarap.

Kaagad siyang sinalubong ng mainit na halik ng asawa. Awtomatiko siyang napayakap sa batok nito at tinugon ang halik ni Zach.

Her husband pulled her closer and deepened the kiss. Mahigpit siya nitong hawak sa beywang, ayaw siyang bitawan.

"Y-You're here..." anas niya nang maghiwalay ang mga labi nila.

Zach just nodded and kissed her again on the lips. Ramdam niya ang matinding pananabik nito. Kahit siya ay pinadama sa asawa kung gaano niya ito na-miss.

"Say my name..." he breathed out.

"Zach."

"Say it again, love."

"Zach..." ulit niya.

"Damn, I miss your voice." Muli nitong sinakop ang labi niya.

Pinaghalong ngiti at luhang tinutugon niya ang mainit at malalim na halik nito. Nang sa wakas ay binitawan na ng asawa ang labi niya, kaagad niyang sinipat ang kabuuan nito.

Isla Fontana Series #1: Stolen Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now