Chapter 34 (Fainted)

63.8K 2.3K 1.4K
                                    

CHAPTER 34

"ARE you sure you don't want me to come with you?" seryosong tanong ni Zach sa kaniya.

Tumango siya at tipid na ngumiti.

"You're not afraid?" malambing na tanong nito.

Umiling siya.

"Love, just let me come with—"

"Zach, I'm okay," aniya, natatawa.

Her husband let out a sigh.

"You know I'm really against with it. I don't want you to see that man ever again. He caused you pain and trau—" pinigilan niya ito sa pamamagitan ng pagdampi ng labi niya sa labi nito.

Natigilan ito at kapagkuwan ay napabuntong-hininga. She decided to talk to Brandon.

Ilang buwan na ang nakakalipas simula nang bumalik sila ni Zach sa Maynila para mas matutukan ang pagbubuntis niya.

"I will be okay, hmm? Hintayin mo ako sa sasakyan," aniya, matamis na ngumiti.

"You sure?" Naninigurado pa ang asawa.

"Opo," tugon niya.

Sa huli ay wala na itong nagawa kung hindi ang hayaan siya. Hinalikan siya nito sa noo bago tumalikod.

Pumasok siya sa loob ng presinto at tinungo ang visitor's area. And there she saw Brandon, waiting for her. Alam na nitong darating siya ngayong araw.

Tumingin ito sa kanya at kapagkuwan ay bumaba ang tingin nito sa maumbok na niyang tiyan. Nang makalapit siya ay nagtangka itong kumilos para ipaghila sana siya ng upuan pero pinigilan niya ito.

"Kaya ko na," mahinang aniya.

Bumalik ito sa kinauupuan. Siya naman ay umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan nito.

"H-How are you?" he asked.

"I'm doing fine," tipid na sagot niya.

Brandon nodded and smiled.

"Yes, I can see it. You're...pregnant." Nakita niya ang pagdaan ng sakit at lungkot sa mga mata nito.

"I'm just here to talk to you because that's what you want. Gusto ko na rin na...manahimik tayong pareho." Diretso niya itong tiningnan sa mga mata.

"I'm glad you came here, Thea," anito at ngumiti.

Ilang sandali lang ay napayuko ito.

"I want to say sorry for all the things that I have done. For all the damage, for hurting you both mentally and physically and for...loving you." Dahan-dahan ay nag-angat ito ng tingin.

Hindi siya umimik pero nagpatuloy ito.

"Minahal kita ng wala sa tamang lugar, Thea. I got obsessed. With that beauty of yours, you stole my heart the first time I saw you. I wanted to have you, desperately. But you don't like me. Nagalit ako. Gustong-gusto kitang makuha, gusto kong angkinin ang buong pagkatao mo. I blackmailed your parents, gave them money and threatened them that I will ruin everything that they have if they won't give you. Again, I'm sorry, Thea."

Nanatili siyang nakatingin kay Brandon. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga.

"You're sorry is too late now, Brandon. Look at you now, you're miserable," mahinang sabi niya, nakaramdam ng awa sa lalaki.

Malungkot itong ngumiti.

"I know and I deserved this," tugon nito.

"You're already forgiven. I just hope that...someday you'll be happy and will choose to be a good person, Brandon. What you did to me before, I was traumatized but I'm still thankful. Why? Because Zach found me. I found him, he protected me, cherished me, even willing to give his life for me. I found love and I...found my home."

Isla Fontana Series #1: Stolen Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now