CHAPTER 4
TUMAMA ang likod niya sa mesa nang malakas siyang itinulak ng asawa. Napangiwi siya sa sakit.
Hinawakan nito ang buhok niya at malakas siyang sinabunutan. Sinalubong niya ang nagbabagang tingin nito. Wala siyang pakialam kahit nalalasahan niya ang sariling dugo sa gilid ng bibig dahil sa malakas na pagsampal nito sa kaniya kanina.
"You can't have me, you impotent devil!" nang-iinsultong sigaw niya.
Mas lalong namula ang buong mukha nito.
"You slut!" Malakas siya nitong sinampal.
Napasalampak siya sa sahig. Ramdam niya ang pamamanhid ng pisngi niya. Muli niyang tiningnan ang asawa.
"Binili mo ako sa mga magulang ko para makuha ako pero may sakit ka, Brandon. Hinding-hindi mo ako makukuha!" muling sigaw niya.
Nanlilisik ang mga matang kinaladkad siya nito patungo sa kuwarto. Nagpupumiglas man ay wala siyang magawa sa lakas nito.
Malakas siya nitong binagsak sa kama at pumaibabaw sa kaniya. Pinunit nito ang suot niyang damit hanggang sa hubo't-hubad na siya sa harapan nito.
"I can't have you the way I wanted but your body is all mine, Thea. You are mine!" he shouted as he kissed her lips.
Napapangiwi siya sa sakit. May sugat ang gilid ng labi niya pero marahas siya nitong hinahalikan.
Ang mga kamay niya ay mahigpit nitong hawak habang pinagsasawaan nito ang buong katawan niya. Sa tuwing nanlalaban siya ay sinasampal siya nito hanggang sa tuluyan siyang nanghina.
Hindi man siya nito maangkin ng tuluyan dahil sa sakit nito, pinagsasawaan pa rin nito ang buong katawan niya. Ginagawa nito ang gusto sa katawan niya ng paulit-ulit. Napakarumi ng pakiramdam niya sa sarili sa tuwing binababoy nito ang katawan niya.
Brandon is an obsessed devil millionaire. He ruined her life. He controlled everything around him including her parents, including her.
Kahit ilang beses niyang sinubukang tumakas, hindi niya magawa dahil napakahigpit ng security nito. Nagtitiis siya sa bawat pananakit nito, sa bawat pambababoy nito.
Tanging ang iyak niya ang pumuno sa malaking kuwarto.
She's hopeless.
Nanginginig ang buong katawan na bumangon siya mula sa higaan. Pawis na pawis siya.
Natatarantang bumaba siya at wala sa sariling naglakad palabas. Sumalubong sa mukha niya ang malakas na ihip ng hangin. Ang alon ng dagat mula sa kalayuan ay naririnig niya.Ang sinag ng buwan ang tanging ilaw sa madilim na kapaligiran.
Natutulalang naglakad siya sa buhanginan, hindi alam kung saan ang destinasyon. Pakiramdam niya ay naroroon pa rin siya sa panaginip. Baon-baon niya iyon sa isip at puso. Ang mga pananakit, ang natatanggap na sampal at sipa, pakiramdam niya ay ramdam niya pa rin hanggang ngayon.
Mapait siyang napangiti. She won't have her peace of mind. Her life before will always haunt her. She thought she would be able to forget everything but it's not that easy.
Unti-unti niyang naramdaman ang tubig dagat sa walang sapin niyang mga paa. Hindi siya tumigil sa paglalakad hanggang sa umabot ang tubig dagat sa beywang niya.
Sa nanginginig na mga labi ay naisip na naman niyang kitilin ang sariling buhay. Iyon lang ang alam niyang paraan upang makatakas mula sa madilim niyang mundo.
Umabot hanggang sa balikat niya ang tubig hanggang sa paunti-unti ay lumubog ang ulo niya sa ilalim ng tubig. Pumikit siya at hinayaan ang sarili sa ilalim.
YOU ARE READING
Isla Fontana Series #1: Stolen Heart (COMPLETED)
RomanceA VERY MATURED CONTENT. ISLA FONTANA SERIES IFS #1: Stolen Heart Thea Marie found her paradise, her peace of mind, and her home in Isla Fontana. The island where she found happiness and freedom. An island where she found love. But she knew that she...