CHAPTER 1
"ZACH!" Awtomatiko siyang napatigil sa pagbubuhat ng isang timba na may lamang isda nang marinig ang pagtawag sa pangalan niya.
"Nay Helen..." Kumunot ang noo niya nang makita ang matanda na nagmamadaling lumapit sa kaniya.
"May problema ba, Nay Helen?" tanong niya.
"Naku, iho. May pinagkakaguluhan ang mga tao doon sa dagat. Tingnan mo nga. Mukha daw tao 'yong lumulutang sa dagat. Dali!" Hinila siya ni Nay Helen, nagmamadali.
Awtomatiko siyang sumunod at tinungo ang dalampasigan.
"Ayun!" Kaagad na turo ni Nay Helen.
Sinundan niya ang tinuturo nito. Nakita niya ang palutang-lutang na kahoy. Kumunot ang noo niya nang makita ang kung ano ang nasa ibabaw niyon.
"Ihahanda ko ang bangka," kaagad na sambit niya.
Ang mga tao sa paligid ay tila nag-aalala, nakatingin doon sa lumulutang. Kaagad niyang pinaandar ang makina ng bangka at hinila patungo sa dagat.
"Kailangan mo ng tulong?"
Awtomatiko siyang napatingin kay Zeke, ang kakambal niya, nang lumapit ito.
Hindi na nito hinintay ang tugon niya. Tinulungan siya nito sa paghila ng bangka. Tinapik niya ito sa balikat bilang pasasalamat. Sabay silang sumampa sa bangka, minaobra iyon patungo sa dagat.
Nang malapit na sa lumulutang na kahoy ay natigilan siya nang makitang babae ang nasa ibabaw ng kahoy.
Nagkatinginan sila ng kakambal.
Kaagad siyang kumilos at maingat itong hinawakan. Halos wala na itong malay. Nagawa niya itong isakay sa bangka niya.
Nang makita ang kabuuan ng mukha nito ay mahina siyang napamura. Maputla ito at puno ng pasa at sugat ang katawan. Punit-punit ang suot nitong damit.
Hinubad niya ang suot na jacket at tinakpan ang nakalitaw nitong dibdib. Hinayaan niya si Zeke na maniobrahin ang bangka pabalik sa dalampasigan.
"Buhay pa ba 'yan?" nakangiwing tanong nito.
Tumango siya, tumingin sa babae.
"Anong iniisip mo?" muling tanong ng kambal niya.
Tumingin siya sa malayo.
"Napadpad ang babaeng ito sa Isla Fontana. Hindi natin siya kilala." Tumingin siya sa kakambal, nag-uusap ang kanilang mga mata.
Seryoso itong tumango.
"Ako nang bahala," tugon nito.
Tumango siya at muling tumingin sa estranghera. Napatitig siya sa mukha nito. Hindi niya alam kung bakit nagagalit siya sa nakikitang mga pasa sa katawan nito. Marahas siyang napabuntong-hininga at kaagad na iniwas ang tingin sa babae.
NAGISING siyang takot na takot. Napabalikwas siya ng bangon at kaagad na tumingin sa paligid.
Awtomatikong kumunot ang noo niya nang mapagtantong hindi pamilyar ang lugar sa kaniya. Muling bumalik sa isip niya ang lalaking nakausap kanina. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya.
Inikot niya ang tingin sa paligid. Nasa papag siya na tanging kumot lang ang sapin. Isa lang ang unan at walang gaanong gamit sa kuwartong kinaroroonan niya. Iyon ay kung kuwarto nga ba itong matatawag dahil maliit lang ang espasyo niyon.
Napaayos siya ng upo nang makitang pumasok ang lalaking tumulong sa kanya. Tila natigilan pa ito nang makitang gising na siya.
"You should knock first before you enter," she murmured.
YOU ARE READING
Isla Fontana Series #1: Stolen Heart (COMPLETED)
Storie d'amoreA VERY MATURED CONTENT. ISLA FONTANA SERIES IFS #1: Stolen Heart Thea Marie found her paradise, her peace of mind, and her home in Isla Fontana. The island where she found happiness and freedom. An island where she found love. But she knew that she...