Chapter 21 (Ice Cream)

79K 2.4K 1.8K
                                    

🌟 MERRY CHRISTMAS 🌟

CHAPTER 21

"WHAT did you say?" Kumunot ang noo ni Zach nang marinig ang sinabi ng mayordoma.

"Pasensya na, Sir Zach. Mapilit kasi, ayaw magpapigil. Ayaw kang istorbohin kaya siya na ang umalis para bumili ng ice cream. Mangiyak-ngiyak pa kanina nang sinabi kong hindi siya puwedeng lumabas. Nag-alok ako na ako na lang ang bibili pero ayaw niya." Napangiwi ang mayordoma sabay kamot sa ulo.

"Huwag kang mag-alala, Sir, may nagbabantay naman kay Miss Thea," patuloy nito.

He let out a sigh.

"Sinong nagbabantay sa kaniya?" kunot-noong tanong niya.

"Si Drew, Sir. Siya na rin ang nag drive para kay Miss Thea," tugon nito.

Tumango siya at naglakad patungo sa labas.

Medyo kampante siya dahil si Drew ang kasama ni Thea. Drew is one of their loyal bodyguards. Private driver rin ito ng pamilya nila. May sariling security team ang pamilyang Velasquez at si Drew ang head security ng pamilya nila.

Drew became his friend. Alam na alam niyang nangunguna ang loyalty nito sa pamilyang Velasquez kahit noong mga bata pa lamang sila. After Drew's father retirement, he replaced his father to do his duty to their family.

Nang makasampa sa loob ng kotse niya ay tinawagan niya si Drew. He asked for their location and he immediately gave the address.

Someone called him so he can't go to Thea yet. Dahil malapit lang ang lokasyon kay Thea ay pinili muna niyang puntahan ang tumawag sa kaniya.

His eyebrows furrowed when he sent the address. It's on the top floor of the building. Naiiling na bumaba siya sa kotse nang makarating sa napakataas na building. Pumasok siya sa private elevator patungo sa top floor. Tinungo niya ang pribadong kuwartong naroroon.

A German shepherd dog automatically looked at him when he entered the room. Tumayo ito mula sa pagkakahiga sa sofa at bumaba, lumapit sa kaniya. The dog walked around him like he's trying to recognize his identity. Nang masiguradong kilala siya ay muli itong bumalik sa sofa, inignora siya.

Zach smirked.

"Nagmana ka sa amo mo, Beast," naiiling na usal niya.

"Are you talking about me?" Awtomatiko siyang lumingon sa nagsalita.

Nasa bungad ito ng nakabukas na pinto. Their eyes met and both smirked.

"Long time no see, Nathan Davidson." Zach walked towards him.

"Finally got out from your hideout, huh?" Nathan smirked.

Mahina siyang natawa at namulsa. Nathan Davidson was in the military as well. They both quit for some personal reasons. He admits that this man is one of the best partners during their military time.

"Something happened so yeah, I have to get out from that paradise," tugon niya, bumaba ang tingin sa hawak nitong mahabang suitcase.

Pumasok ito sa loob at sinara ang pinto. Pinatong ni Nathan ang suitcase sa mesang naroon at binuksan. Napatitig siya sa laman niyon.

"Thank you for this," he said and touched the sniper gun.

It's already assembled. Napangiti siya habang pinagmamasdan kung gaano iyon kaganda sa paningin niya.

"I already assembled it for you so you can try it now." Nathan walked towards his dog.

Zach looked at the window of this private room. Kinuha niya ang sniper at pumuwesto sa malapad at malaking bintana. Ipinuwesto niya ang sarili. He tried the sniper and aimed it at the convenient store. Una niyang nakita si Drew na nakatayo sa harap ng kotse.

Isla Fontana Series #1: Stolen Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now