Kabanata 3

576 9 0
                                    


Support...


I just keep on staring at him while he was laughing and playing with the children. Hindi ko alam kung bakit naninikip ang dibdib ko tuwing nakikita ko siyang nakangiti.


Sa t'wing magkasalubong ang aming mga mata at parehas kaming umiiwas sa isa't-isa.


"I didn't expect that he's the grandson of Mr. and Mrs. Villanueva." Aniya ni Monique habang hindi din makapaniwalang nakatingin kay Mr. Santiago.


Napatingin ako sa kanya at nakita ko kung paano siya ngumisi sa'kin no'ng mahuli niya akong nakatingin kay Mr. Santiago.


"Noong bata pa siya ay lagi siyang dinadala ng mag-asawang Villanueva dito para makipaglaro sa mga bata hanggang sa mag binata siya ay lagi niyang dinadalaw ang mga bata dito." Parehas kaming napatingin ni Monique nang magsalita si Sister Alecia.


"Napakabait na bata ni Mr. Santiago kaya nagulat nalang kami sa balitang nakulong siya sa napakamurang edad." Malungkot na saad ni Sister Alecia.


Umiwas ako nang tingin nang maramdaman ko na naman ang paninikip ng dibdib ko.


"Kaya nagulat nalang kaming no'ng isang araw ay bigla siyang bumisita dito." Pagpapatuloy ni Sister Alecia.


Nawala lang ang bigat na nararamdaman ko nang tinawag na kami ni Sister Gellian pati na din ang mga bata para kumain.


We help the sisters to serve the food for the children at tuwa-tuwa naman ang mga bata dahil may libre silang snacks mula sa amin ni Monique.


Saglit na dumapo ang tingin ko kay Mr. Santiago na sinusubuan si Lolot sa kabilang mesa. Si Lolot ang pinakabata dito. Sa edad na apat na taon ay naulila na siya dahil sa pagkamatay ng mga magulang niya mula sa aksidente, the rest ay nasa lima pataas na.


Nanlaki ang mga mata ko nang biglang kumaway si Lolot sa akin kaya napatingin sa'kin si Mr. Santiago. Ngumiti lang ako at muling umiwas nang tingin.


Nagulat ako nang bigla akong kinalabit ni Monique kaya napatingin ako sa kanya. Nagpipigil siya nang ngiti at nginusuan si Mr. Santiago.


"Pasulyap-sulyap lang kunwari, patingin-tingin sa akin 'di ma initindihan ang ibig kong sabihin." Mahinang kanta niya malapit sa tenga ko.


Humalakhak siya nang makita niya ang pamumula ng pisngi ko. Kinurot ko siya at sinamaan nang tingin.


"Tigilan mo nga ako, Monique. Hindi na ako natutuwa." Sabay irap ko sa kanya at muling bumaling sa mga bata.


Nagulat ako nang makita ko si Lolot na nasa harapan ko na at nakangiting nakatingin sa'kin.


"May kailangan ka ba Lolot?" Nakangiting sabi ko sa kanya.


"Hingi snack, ate." Muli akong ngumiti sa kanya at pinisil ang mataba niyang pisngi. Binigyan ko siya nang dalawang fudgebar at isang kikat na chocolate.

Rendezvous In An Erroneous Way (Villafuerte Clan #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon