Simula

1.4K 19 3
                                    

Hatred...

Ilang beses kong inayos ang aking sarili bago ako tuluyang lumabas sa aking sasakyan. Kinuha ko ang isang box na cake at pumasok sa bahay.

Today is Father's birthday. Ayaw ko sanang pumunta dahil sobrang busy ko ngayon sa school lalo na't finals na namin but my dad wants to see me.

Ayaw ko naman na maging malungkot siya sa araw mismo ng kaarawan niya.

As I entered the house I've immediately seen them, laughing with my relatives. Ngumiti ako sa kanila bago binati ang mga tita at tito ko.

"Oh my God, my baby. Buti naman nakapunta ka dito. Your dad will be happy to see you." Nakangiting salubong sa akin ni Mommy.

Ngumiti ako at niyakap siya nang mahigpit. Sobrang na miss ko na sila ni Daddy. Dalawang linggo ko ng hindi sila nakikita dahil sa sobrang busy. Tuwing pumupunta naman ako dito sa bahay ay parehas silang wala ni Daddy.

"Happy Birthday, Dad." Pagbati ko sabay bigay ng cake sa kanya. Ngumiti siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

"Thank you so much, Darling." Aniya sabay halik sa gilid ng noo ko.

Ngumuso ako nang makita ko si Kuya na umiiling habang nakangiti. Parehas kami ng kuya ko na hindi na nakatira sa magulang namin. No'ng mag eighteen ako ay bumukod na ako sa aking mga magulang because I want to be independent.

"Can you sleep here for tonight, darling? Kahit ngayon lang anak, pagbigyan muna si Daddy. Miss na miss kana namin ng Mommy mo." Ngumuso ako at unti-unting tumango sa kanya.

Naramdaman ko ang pagyakap ni Mommy sa'kin at ni Kuya. Ngayon ko lang ulit ito naramdaman na buo kami. Simula kasi ng bumukod kami pareho ni Kuya ay hindi na kami masyadong nagkikita dahil sa sobrang busy.

My brother is busy studying in a law school while I'm graduating architecture this year.

We eat in the dining room with my relatives. My father doesn't want a party, he just wants a simple celebration together with our family, the Villafuerte Clan. Nagulat pa ako ng makita ko si Lola at Lolo dahil hindi naman sila madalas na pumupunta dito.

Ngumiti ako sa mga pinsan ko ng makita ko din sila. Hindi na din kami madalas nagkikitang magpipinsan dahil katulad ko ay busy din sila since we both graduating this year.

After dinner ay kanya-kanya kaming kumuha ng mga inumin. Hindi naman ako mahilig uminom kaya pumunta nalang ako sa living room at binuksan ang TV.

My eyes widened when I saw the news that I haven't heard in long years. Ngayon ko nalang muli ito nakita at narinig.

"What can you say Atty. Santiago that your son will be released after ten years in prison?" The reporter said to Atty. Santiago.

Atty. Santiago smiled before he answered. "Well... of course, I'm very happy that my son will be released soon. We waited for him for ten years and he deserves to have a freedom outside the prison." He answered. Kumuyom ang mga kamay ko habang pinapanood sila.

Nagulat ako nang marinig ko ang biglang pag-iyak ni Mommy sa likod ko kaya kaagad ko siyang nilingon. And there... I saw them, watching also the news. Ni hindi ko manlang namalayan na kanina pa pala sila nanunuod.

"Paano siya makakalaya, William? H-hindi pa ba sapat ang ebidensyang binigay natin sa kanila!" Umiiyak na sabi ni Mommy na halos mahimatay na ito kung hindi lang ito inaalalayan ni Daddy at Kuya.

Kumuyom ang mga kamay ko habang tinitingnan ang pamilya ko na nagdudusa parin hanggang ngayon dahil sa pagkamatay ng kapatid ko, sampung taon na ang nakalipas.

Rendezvous In An Erroneous Way (Villafuerte Clan #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon