Kabanata 8

472 14 3
                                    


Kiss...


Until now, I'm still thinking about what the woman told me earlier. I don't know if she was telling the truth. Muli kong ipinikit ang aking mata ngunit sa t'wing ipinipikit ko ang aking mata mukha ni AJ ang pumapasok sa utak ko pati na din ang mga sinabi ng babae.


Why did she need to tell that words to me? Ano ba ang gusto niyang iparating sa'min? Na kami ang masama dahil nagpakulong kami ng isang inosenteng tao?


But I still remember na sobrang dami ang naging ebidensya namin laban sa pamilyang Santiago. Muli kong minulat ang aking mata at tumayo. I took my jacket before I went out to my room.


I look at my wristwatch and it's already ten-thirty pm. I want to eat ice cream so I decided to go to the convenience store nearby our house. Naglakad lang ako dahil malapit lang din naman ang 7-Eleven dito sa'min kaya hindi ko na kailangang dalhin pa ang sasakyan ko.


Nang makarating ako nang 7-Eleven ay kaagad kong kinuha ang isang gallon na ice cream na ube flavor bago ako pumunta sa counter para bayaran.


Umupo ako malapit sa pinto at tahimik na kumain. I don't know why but I feel relax every time I eat ice cream. Hindi naman ako madalas kumakain ng ice cream lalo na't kapag hindi ube 'yong flavor.


Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko 'yong ube, maybe it was because I like violet color. Yes, I'm really obsessed with violet color, even my room theme was violet.


Nanlamig ang buong katawan ko nang makaramdam ako ng isang matulis na bagay na nakatutok sa baywang ko at ang paghawak ng malaking kamay sa balikat ko.


Unti-unti kong tiningnan iyon at kusang nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang lalaking nakatingin ng nakangisi sa'kin.


"Mukhang sarap na sarap ka miss, ah? Pero mas mukhang masarap ka yata." Anito at tiningnan ang buong katawan ko.


Nanlamig ako ng sinimulan niyang haplusin at amoyin ang leeg ko. Uminit ang dalawang sulok ng aking mata dahil sa takot na nararamdam ko ngayon.


"P-please stop it. If you want money, I can give that to you." I said shivering but he just chuckled.


"Pre, mukhang anak yata 'yan ni Governor Villafuerte ang nabingwit natin." Aniya pa ng isang lalaki at lumapit pa ito sa'min.


"Talaga? Kaya naman pala ang ganda." Sabay haplos niya muli sa akin. Napapikit ako sa sobrang takot at panginginig. "Kanina pera lang ang gusto namin sa'yo pero ngayon mukhang katawan na ang gusto namin. H'wag kang mag-alala miss, iboboto namin ang tatay mo basta ikaw ang kapalit." Hindi ako nagsalita at hinayaan ko na lamang dumaloy ang mga luha ko sa'king pisngi.


Gusto kong tumakbo at manlaban sa kanila ngunit hindi ko magawa dahil may nakatutok na swiss knife sa tagiliran ko. Dahil sa takot at pangamba ko ay ipinikit ko na lamang ang aking mata at lihim na nagdasal na sana ay walang masamang manyari sa'kin.

Rendezvous In An Erroneous Way (Villafuerte Clan #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon