<keizer's POV>
Nasan naba yung babaeng yun? Bigla na namang nawala sa kinauupuan niya kanina ah. Tsss. She's really stupid, sinabihan na ngang hintayin ako. Lagot saken yun mamaya. Bakit ba kasi hindi yun marunong sumunod ng utos.
Pssh.
"Guys, after nang pinakita nyo sa try out, nakapgdesisyon nako sa mga masasali. Nathan Henrick, Ron Dela Rosa, blah blah blah at Keizer Murillo. May praktis tayo 3 times a week, set your priorities and manage your time. Welcome to the Team." sabi ng coach at nag shake hands saming lahat.
Alam ko na naman na matatanggap ako, tss kailangan pa talaga ng ganito.
Luminga linga ako. Nasan na yung babaeng yun?
riinggg rinngg..
Ares? Kumunot ang noo ko.
"O?"
[Nasan ka ngayon? nasan si Sophieve???]
"Nandito ako sa.. at hindi ko alam kung nasan yung babaeng yun.. bakit?"
[Hintayin moko.. papunta nako diyan.]
Anong nangyari dun? Bakit na naman nagmamadali yun? at bakit na naman niya hinahanap ang secretary ko?
Ang bilis talagang naging close ni Ares at ni Sophia, samantalang kami, parang mga aso't pusa, pusa at daga lang. Hindi ko alam pano paamuhin yung babaeng yun. Hindi man lang tinatablan ng kagwapuhan ko. Tsk.
Palabas nako ng gym nang makita ko yung Nathan na yun. Ang bestfriend ni Sophia na pumuporma yata kay Aika. Alam kong may gusto si Sophia dito, hamak naman na mas lamang ako sa kagwapuhan sa kanya at sa galing mag basketball. Mas macho pa nga ako.
"Bro.. " Si ares .. papasok ng gym at humahangos pa. Anong meron?
"Si sophieve.. i think she's in danger." humihingal na sabi nito.
O_O
Ha???
"Bakit? pano mo nasabi yan? Sino nangsabi sayo.? " Putchax! Kinabahan ako ah.. San na naman kasi nagpupupunta yung babaeng yun???
"I called her.. mga 5 minutes ago,, the time she answered the call, nagsalita agad eh.. buti na lang narecord ko. Listen to this.. "
Pinarinig niya saken ang maikling pag uusap nila ng tangang si Sophia.
'aressss help.. nakidnapakohindikoalamnaasanakoperosaskulparinto. tul-'
parang nanginginig ang boses nito. Magaling nga yun magdrama pero alam ko hindi nato drama.
Aish!! Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at tumakbo nako palabas ng gym para hanapin ang babaeng yun. Halata sa boses nito na takot na takot ito. May takot rin pala yung babaeng yun??
"Sabihan mo ang bodyguard mo na pumunta sa i <3 coffee., baka lang nandun siya.." sabi ko kay Ares..
Nandito na naman ang adrenaline rush ko tulad nung narinig kong kinuyog siya ng mga fans nitong hinayupak na Ares nato. Nakahiram pa tuloy ako ng binder sa isnag babae para lang ay alibi ako.
Nakita ko si Nathan na mukhang may hinahanap.
"Hey... Nakita mo ba si Sophia? " tanong ko na lang kahit hindi ko naman gustong kausap tong taong to.
"Hinahanap ko nga siya.. kasi nandito lang naman yun kanina bago ako pumasok dahil pinatawag ni coach, sinabihan ko naman na maghintay siya..Pag labas ko ngayon, wala na. Nakakapagtaka nga kasi Hindi naman yun umaalis eh, unless gutom siya.." sabi nito pero cool lang.

BINABASA MO ANG
Spell Love (EXTREME EDITING MODE)
Teen FictionWAG po MUNA Basahin DAHIL iniEDIT ko pa. :)